Lalaking nagpa-ventosa, Second Degree Burn ang inabot

Lalaking nagpa-ventosa, Second Degree Burn ang inabot

Lalaking nagpa-ventosa, Second Degree Burn ang inabot

Sa programang "Dapat Alam Mo" ay ibinahagi ni Mark Joseph Castillo na suki na siya sa isang spa kung saan siya lagi nagpapamasahe.

Ayon sa kaniya ay maganda naman daw ang serbisyo ng spa kung kaya dito siya palagi nagpupunta upang mag relax. Ngunit noong pumunta daw siya ulit sa spa upang magpatanggal ng lamig sa kaniyang likod ay sinabihan siya na "NON-TRADITIONAL VENTOSA" daw ang gagamitin sa kaniya.

Ang ventosa ay ang pamamaraan upang maalis ang lamig sa katawan kung saan nilalagyan ng maliit na baso ang likod ng tao na may pampainit sa loob.

Ngunit sa halip na maalis ang pananakit ng kaniyang likod ay pas0 sa balat o s3cond degree burn ang inabot ng kaniyang likod dahil sa ventosa.

Kwento ni Mark Joseph, nang maalis ang mga baso sa kaniyang likod ay lalagyan na ng masahista ng towel ang kaniyang likod at sinabihan siya nito na "Sir sensitive po pala ang balat mo."

Doon niya napag tanto na nagkaroon ng blister ang kaniyang likod. Hinawakan pa raw ng masahista ang mga blister sa kaniyang likod. Ang Blister ay ang mga parang tubig-tubig sa balat.

Dahil sa sakit na naramdaman ay hindi na pinatapos ni Castillo ang pagpapamasahe.

Ayon pa kay Castillo ay nagpa bl0tter din daw siya sa B4ranggay at Pul1s matapos na walang makuhang malinaw na sagot sa spa kung bakit na5un0g ang kaniyang balat.

Ayon naman sa resulta ng medico l3gal ay nagtamo si Castillo ng SECOND D3GREE BURN dahil sa pangyayari. Ganun pa man ay nagpasya pa din si Castillo na hindi na tuluyang kasuh4n ang nasabing spa.

Pahayag pa ni Castillo ay wala siyang kinuhang pinansyal na kasunduan sa spa, sa halip ay hiniling na lamang niya sa pamunuan ng spa na isailalim nalang sa RE-TRAINING ang mga tauhan nila upang maiwasan at hindi na maulit pa muli ang nangyari sa kaniya.

Ayon naman sa programang Dapat Alam Mo ay sinibukan nilang kunin ang pahayag ng nasabing spa ngunit wala silang nakuhang sagot mula dito.

Post a Comment



close