isang Ama, napawi ang galit sa anak matapos masilayan ang kaniyang apo.

isang Ama, napawi ang galit sa anak matapos masilayan ang kaniyang apo.

isang Ama, napawi ang galit sa anak matapos masilayan ang kaniyang apo.

Walang ibang hinangad ang mga magulang para sakanilang anak kung hindi ang mapabuti at maging maayos ang kinabukasan ng mga ito. Kung kaya kahit na anong hirap ng buhay ay nagsisikap ang mga magulang upang mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.

Dahil na din dito ay ganoon na lang din ang sakit na nararamdaman ng mga ito kapag binalewala ng kanilang mga anak ang lahat ng sakripisyo na binibigay nila.

Ngunit kahit na ano pang lalim ng sakit ang nararamdaman nila para sa kanilang anak ay hindi naman nila ito kayang tiisin lalo na kung may makikita na silang apo.

Katulad na lamang ng kwento ni Kerstin Berico na nagviral sa Tiktok na kahit pa nabigo niya ang kaniyang ama sa mga plano nito para sakaniya ay hindi naman maitatanggi ang malalim na pagmamahal nito para sa kanila.

Ayon sa kaniyang kwento ay maaga siyang nakapag-asawa matapos niyang gumraduate sa kolehiyo. Sa panahong ito ay walang pagsidlan ang sama ng loob na nararamdaman ng kaniyang ama para sa kaniya.

"Wag na Wag kang magpapakita dito sa bahay kapag nabuntis ka!!!!" galit na sambit ng kaniyang ama sakaniya.

"kasi po ganito po iyon nagkaroon po kasi kami ng tampuhan ng papa ko na humantong sa umalis ako sa bahay at bumukod kami ng bf ko, actually 4years in a relationship po kami," pahayag ni Kerstin.

"Graduate po ako ng Tourism at nakapag trabaho na ng isang taon bilang CSR. Bali nagplano po ako na bumukod na lang then mag work tapos mag support sa family ko,"dagdag pa nito.

Sila ay itinaguyod ng kaniyang ama sa sinasahod nito sa pagiging security guard, kung kaya't bilang nakapag tapos na siya ng pag-aaral ay siya na lang ang inaasahan nito na tutulong sa pag-aaral naman ng mga nakababata niyang kapatid.

"Kasi po ayaw po talaga ni papa na mag-asawa ako kasi po inaasahan niya po ako na mapag-aral ko pa ang mga kapatid ko.8 po kasi kami magkakapatid. So parang na dissapoint ko po ang magulang ko sa nangyari sa akin. Isa kasi sa pangarap ko ang maging flight attendant."

"Sorry papa, if hindi ko natupad ang pangarap ko, salamat sa pagmamahal mo sa apo mo."

"Yes Mam okay na okay na kami,Papa ko pa mismo ang nagsabi na bumalik ako sa bahay para masubaybayan niya ang pagbubuntis ko hanggang sa manganak ako."

"Bali dito na din kami nakatira ngayon ng asawa ko sa bahay nila papa, di pa po kami makapag bukod kasi malapit po ang anak ko kay papa, maka-lolo . Siguro kapag nag 1year old na siya ay bubukod na kami." kwento pa ni Kerstin.

Ipinangako naman ni Kerstin sa kaniyang ama na ipagpapatuloy pa rin niyang ang kaniyang pangarap para sa kanilang pamilya.

"Promise ko po sa papa ko na hindi naman doon hihinto ang mundo ko, wala sa plano si Caleb pero binigay siya sa akin/amin ng Diyos. Isang malaking blessing po iyon at iyon ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko ang dumating si Caleb sa buhay ko," saad pa ni Kerstin.

"Pwede ko pa naman ituloy ang pangarap ko eh, kasama na ang anak ko."

Post a Comment



close