KAYOD KALABAW HANGGANG SA HULING HININGA !
Marami sa matatanda ang ayaw na makadagdag pa sa pasanin ng kanilang mga anak at isipin ng pamilya kaya kahit na sila ay hirap ng kumilos, makadinig at makakita dahil sa sobrang katandaan ay pinipili pa rin nilang magbanat ng buto upang mabuhay dahil na din sa ito ang kanilang nakasanayan.
Kinahabagan naman ngayon ang sinapit ng isang matandang lalaki mula sa Kalubian Santo Rosario, Tukuran, Zamboanga Del Sur na binaw1an ng buh4y sa gitna ng inaararo niyang lupa.
Sa post ni Jessel Pameron na isa sa apo ng matanda, inabutan umano ng huling h1n1nga ang kaniyang Lolo Hilario Turno-86 anyos, habang ito ay nag-aararo ng tinatrabahong bukid katabi ang kaniyang alaga at katulong na kalabaw.
Si Lolo Hilario ay mag-isa nalang sa kaniyang munting kubo matapos na maunang pum4n4w ang kaniyang asawa ilang buwan palang ang nakakalipas at halos araw-araw ay dinadalaw niya ang punt0d nito.
Ang mga anak ni Lolo Hilario ay may kaniya-kaniya na ring pamilya kung kaya ay halos mag-isa nalang din at ayaw naman din umano nitong umalis at iwanan ang kaniyang bahay.
Ikinalungkot ng pamilya ang pagk4wala ng matanda dahil sa n4m4tay ito habang nasa kalagitnaan ng pagtatrabaho sa palayan na tanging kalabaw at aso lamang ang kasama nito.
"Namatay si Lolo sa gitna ng kaniyang inaararong bukid katabi ng kalabaw at ang ginagamit nitong pang araro. Hindi talaga siya iniwanan ng kaniyang kalabaw."
Hindi pa rin natapos na napakabigat na trabaho si Lolo Hilario at pilit na kumikilos para mabuhay kahit na ito ay matanda na.
"Nakaka-awa ka naman Lo, bakit mo pa pinilit kung di na kaya ng katawan mo ang trabaho. Ano tuloy nangyari sayo."
Sa larawang ibinahagi ni Jessel, makikita na basang--basa ng ulan ang wala ng buh4y na matanda sa lupang inaararo nito.
"Nabasa ka pa ng ulan at ng tubig sa palayan mo Lo. Bumangon ka jan mag bonding2 pa tayo Lo,bakit diyan ka pa binaw1an"
Inalala din nito ang pangako sa kanila ng matanda na ayaw umano nitong malagut4n ng hin1ng4 habang nagtatrabaho sa bukid.
"Ang hirap ng malayo kami sayo. Sabi naman namin sayo na sumama ka na sa bahay. Sabi mo pa noon, kung mawala ka man ayaw mong sa palayan ka abutan pero bakit nandiyan ka ngayon."
"Tabi pa kayo sa kalabaw mo at aso. Pinilit mo talaga Lo ang katawan mo."
Post a Comment