Sanggol na nakalagay sa batya, Nag Viral !

Sanggol na nakalagay sa batya, Nag Viral !

Sanggol na nakalagay sa batya, Nag Viral !

Isang larawan ng sanggol sa facebook ang agad namang kumalat sa social media. Ang nasabing post ay pinost nhg isang netizen na si Dexter Cainap. Sa katunayan ay naging tampok ang larawang ito sa isang GMA News Article.

Si Dexter ay ang landlord ng nasabing ina ng sanggol sa inuupahan nilang bahay. Ayon kay Dexter ay itinimbre lamang sakanya ng kaniyang bayaw ang tagpo kung saan ay nilagay ng kaniyang sariling ina ang kaniyang sanggol sa batya. Dahil dito ay naisipan ni Dexter na kuhanan ito ng litrato mula sa ikalawang palapag ng kaniyang apartment.

"Naisip ko doon sa picture, ang hirap kapag wala kang katuwang sa pag-aalaga".saad ni Dexter.

Ang ina ng sanggol na nasa batya ay kinilalang si Joanna Mae Andres. Ayon sa kaniya ay wala umano siyang mapag iwanan ng kaniyang sanggol kung kaya ay nilagay na lamang niya ito sa batya. Natatakot umano siya na malayo ito sa kaniyang paningin sa sa takot na baka ito ay makalmot ng pusa o mahulog sa hagdanan.

"Para sa akin, tama lang po ang ginawa ko kasi safety po iyan ng baby ko. Ayaw ko po siyang iwanan kung saan".

"At least po ay nakikita ko siya. Nababantayan ko po siya kahit na may ginagawa ako." kwento ni Joanna.

Ang kinakasama ni Joanna na si Charles ay isa umanong construction worker kung kaya wala silang kakayahan na kumuha ng kasambahay.

"Minsan iniisip ko po gusto kong umuwi ng maaga para din po matulungan ang asawa ko".

"Pero hindi ko po magawa kasi po madalas ay nag o- OT ako". saad ni Charles.

Aminado naman si Dexter na hindi niya agad sinabi kay Joanna na kinuhanan niya ito ng litrato. Sinabi na lamang niya ito nang mag viral ang kanilang larawan sa social media.

Bawat ina sa mundo ay may kaniya kaniyang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang anak at may kaniya kaniyang silang paraan upang magampanan ang lahat ng kanilang tungkulin bilang isang ina at ilaw ng tahanan.

Kung para sa iba ay kapabayaan ang paglalagay ng sanggol sa batya, ngunit para kay Joanna ito ay ang paraan niya para masiguro ang kaligtasan ng kaniyang anak.

At dahil nga sa larawan na pinost ni Dexter ay samut-saring tulong ang natanggap nila Joanna mula sa mga netizen na nakaalam ng kaniyang kwento. May nagbigay din ng groceries, damit at stroller kung saan ay malaking bagay ito para sa kanila.

Post a Comment



close