Bahagi na ng kulturang Pilipino ang panunuod ng telebisyon lalo na kung pagdating sa balita at teleserye.
Kung babalikan natin ang dekada 80 o 90 ay tiyak na karamihan sa atin ay naranasan na ang makinuod ng telebisyon sa ating kapitbahay.
Noon kasi, hindi lahat ay may kakayahang bumili ng telebisyon kung kaya naman ang sarap alalahanin ng mga panahong ito kung saan ay wala pang mga gadgets at social media.
Samantala, nag-viral naman sa social media ang larawan ng isnag mag-anak na matiyagang nakikinuod sa kanilang kapitbahay dahil sa kawalan ng kakahayahan na makabili ng Telebisyon.
Masaya umanong nakikinuod ang mag-anak ng kanilang paboritong palabas nang sila ay mapansin ng may-ari ng bahay.
Maya-maya raw ay unti-unti ng ibinababa nito ang kurtina ng kanilang bintana na tila ay ayaw silang panuorin ng telebisyon.
At sunod nga ay isinara na nito ng tuluyan ang bintana maging ang pintuan.
Wala naman nagawa ang mag-anak kung hindi ang umalis na lang dahil hindi naman sila maaaring magreklamo o magalit dahil nakikinuod lamang sila.
Ngunit ng makita at mabasa ng mga tao ang kwentong ito ay marami ang nakisimpatya sa mag-anak.
"Marami ganyan na kapit-bahay sasarahan ka kahit maipit pa kamay mo pag-sara nila ng pintuan."
"Danas ko ito hindi nalang mag-sabi kung ayaw magpa-nuod sasaraduhan pa agad nakakabastos. Lalo na may nanunuod na matanda."
"Pero noon nagka tv naman kami pinapapasok pa ng mama at papa ko ang mga nanunuod sa labas, black and white pa tv namin noon."
"Buti nalang di namin naranasan yang ganyan kasi kaming magkakapatid mga dahon lang at bunga ng tibig ok na kami, masaya na kami doon samahan pa ng paglalaba paliligo sa sapa sabay mamamayabas."
Ilan lamang ito sa mga komentong mababasa mo sa nag viral na post na ito.
Post a Comment