P142.6-MILYON sa Lotto napanalunan ng isang 80-anyos na matandang lalaki sa Leyte

P142.6-MILYON sa Lotto napanalunan ng isang 80-anyos na matandang lalaki sa Leyte

P142.6-MILYON sa Lotto napanalunan ng isang 80-anyos na matandang lalaki sa Leyte

Instant milyonaryo ang isang lolo mula Leyte matapos na ito ay manalo ng tumataginting na P142 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong January 16, 2022.

Naswertehan ni Lolo ang Super Lotto 6/49 winning numbers na 02*05*04*31*01*46.

Araw-araw umanong tumataya ng lotto si lolo sa loob ng 15 taon. Nagbabakasakali siya na mapanalunan ang jackpot prize upang makabili ng mga ari-arian para sa kaniyang mga anak.

Ayon kay lolo ay magsisimula din daw siya ng maliit na negosyo at magbubukas na din ng sariling lotto outlet para patuloy na pagkakitaan.

Nag claim ng kaniyang panalo si Lolo sa PCSO Central Office sa Mandaluyong noong January 27,2022. Sinamahan naman siya ng kaniyang dalawang anak na lalaki upang kunin ang kaniyang napanalunan.

Isang solo bettor naman ang nanalo din sa 6/58 lotto draw na may jackpot prize na P79,699,584.80 nito lamang Marso 2022. Ayon sa datos ng PCSO ay mula sa City of Manila, Metro Manila ang ticket na nanalo.

Ito naman ang listahan ng mga nanalo sa buong buwan ng MARSO 2022.

MARSO 20,2022 : Mula sa lungsod ng Manila ang nanalo ng P79,699,584.80 sa 6/58 Lotto draw na may winning combination na 29*05*03*11*08*42.

MARSO 20,2022 : Isang solo bettor mula sa Legazpi City,Albay ang nanalo ng P67.8 Milyon sa 6/49 lotto draw na may winning combination na 09*04*06*17*12*02.

MARSO 14,2022 : Isang solo bettor ang nanalo ng P98.5 Milyon sa 6/55 lotto draw na may winning combination na 09*17*45*39*35*15.

MARSO 5,2022 : Mula sa Taytay Rizal ang nanalo ng P12,537,017.20 sa 6/42 lotto draw na may winning combination na 18*34*33*39*11*36.

MARSO 2,2022 : Mula sa Gen.Trias Cavite ang nanalo ng P8,910,000 sa 6/45 lotto draw na may winning combination na 02*30*45*42*27*17.

Sa ilalim ng TRAIN LAW(Republic Act No. 1169) ang prempyo na mula sa PCSO Lotto na nagkakahalaga ng mahigit sa P10,000 ay sasailalim sa 20% tax. Ibig sabihin nito ay makakapag uwi pa rin si lolo ng tumataginting na P114,080,000.00 pagkatapos na maibawas ang nasabing buwis.

Ayon pa sa datos ng PCSO ay mayroon ng 15 na nanalo sa PCSO Lotto draw simula Enero 2022. Ngunit kamakailan lamang ay binalita din nila na mayroon pang isang bettor na nanalo noong February 2022 ang hindi pa nag claim ng kaniyang panalo.

Post a Comment



close