MANSION ni Fernando Poe Jr. at asawang Susan Roces, ipinasilip sa publiko

MANSION ni Fernando Poe Jr. at asawang Susan Roces, ipinasilip sa publiko

MANSION ni Fernando Poe Jr. at asawang Susan Roces, ipinasilip sa publiko

Sino nga ba naman ang hindi makaka-kilala kau Fernando Poe Jr. na isa sa pinaka beteranong artista sa industriya ng showbiz. Si Fernando Poe Jr. o mas kilala bilang si "FPJ"ay tinuturing din ng mga tao na hari ng pelikulang Pilipino kaya't siya ay binansagan ding "DA KING".

Dahil nga sa dami ng umiidolo kay "Da King" ay magpa sa hanggang ngayon ay marami pa rin ang bumabalik sa kaniyang mga nagdaang pelikula.

Si FPJ ay nagsimula sa kaniyang karera sa showbiz noong siya ay nasa edad na labing-apat pa lamang. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa siya ay nakagawa na ng maraming hit na pelikula at serye sa telebisyon ng Pilipinas.

Taong 1967 ay nagpakasal si FPJ sa aktres na si Susan Roces. Matapos magpakasal ay napag pasyahan din ng mag-asawa na mag ampon upang maging ganap na silang pamilya. At ang batang babae nga na kanilang inampon ay si Sen. Grace Poe.

Nagpasya ang mag-asawa na tumira sa Amerika at doon pag aralin ang kanilang anak na si Grace Poe. At sa Amerika nga ginugol ni Grace Poe ang kaniyang kabataan kasama ang kaniyang mga magulang at doon na rin siya nag tapos ng kolehiyo.

Hindi rin naman sinikreto ng batikang aktor na nagkaroon din siya ng dalawang anak na sina Ronian at Lourdes Virginia o mas kilala ding si Lovi Poe.

Noong 2004 ay bumalik ng Pilipinas si Fernando Poe Jr. at ito ay tumakbo bilang Pangulo ng bansa.

Ngunit marami ang nagulat sa hindi inaaasahang pangyayari kay FPJ ng ito ay sumakabilang buhay sa parehong taon na iyon.

Si Sen. Grace Poe ang nagpatuloy sa hangarin ni FPJ na magsilbi sa bayan, tumakbo si Grace Poe bilang Senador ng Pilipinas.

Nakapag pundar ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces ng isang napaka-laki at napaka-gandang bahay sa Quezen na kanilang ipinamana sa kanilang anak na si Senator Grace Poe.

Makikita na may pinag halong moderno at tradisyunal na disenyo ang pinamanang mansion. Ang loob at labas din ng bahay ay may kombinasyon ng kultura at sining ng mga Pinoy na tila ang mag asawa pa mismo ang pumili ng mga napaka gandang disenyo.

Kulay puti naman ang mga dingding ng bahay at talaga namang dekalidad ang mga materyales na ginamit sa tatlong palapag na ito ng bahay ng mag-asawang Poe.

Puno din ang nasabing bahay ng mga gamit na may sentimental value sa loob at karamihan nga dito ay mga antigo.

Sa katunayan nga ay makikita din sa kanilang sala ang "SARIMANOK" painting na gawa ng isang tanyag na National Artist na si Abdulmari Imao. Makikita rin dito ang obra ni Sandra Feller.

Sa ngayon ang ay pag mamay-ari ni Senator Grace Poe ang nasabing Heritage House ng kaniyang mga magulang na sina Fernando Poe Jr at Susan Roces.

Ayon naman kay Sen. Grace ay wala siyang balak na alisin ang ilang mga gamit ng kaniyang mga magulang dahil ito ay isa sa mga naiwang ala-ala niya sa kaniyang mga mahal na magulang.

Post a Comment



close