Sa isang instagram post ay hinabilin ni Lolit Solis na isama rin sa cremation niya ang kaniyang alagang aso na si JOKJOK kung sakaling siya ay pumanaw na.
"Palagi siyua nasa tabi ko pag nasa bahay ako. Sinasabihan ko siya (kapag namatay ako chu-chu sama ka sakin ha) parang umu-oo siya."
"Ayaw din ni JokJok mabuhay na wala ako no!"
"Kapag ano dapat....... kapag ike-creamte na ako kasama ko si JokJok",pahayag ni Manay Lolit hinggil sa kaniyang alaga na matagal na niyang kasama.
Pahayag pa ni Manay Lolit na kapag wala daw siya sa bahay ay mababait naman daw ang mga alaga niyang aso. Pag umuuwi naman daw siya ay masigla siyang sasalubingin ng mga ito.
Gusto man daw niyang ihabilin ang kaniyang mga alaga ay baka hindi rin daw ito tanggapin ng kaniyang mga kapamilya dahil sa matatanda na ito.
Bukod kay JokJok ay marami pa daw alagang aso si Lolit Solis, ngunit si Jokjok lang daw ang maaaring tumabi sa kaniya sa pagtulog.
Noong July 17 ay isinugod si Manay Lolit sa Hospital dahil sa nararamdaman nitong hirap sa pagsasalita. Sa FEU-NRMF Medical Center ay isang linggo din siyang namalagi.
Ayon sa kaniya ay dalawang beses sa isang linggo na daw siyang nagda-dialysis, tuwing Martes at Biyernes o Sabado daw naka schedule ang dialysis niya.
"Ang buhay ko ngayon ay dialysis, dalawang araw kada linggo. The next day after dialysis pahinga lang ako. Parang iba na ang katawan mo."
"At kapag tine-take ko yung mga maintenance ko na tinaasan ang dosage, hilong hilo na ako."
"Imagine mo in one week, wala na kaagad yung three days dahil ina-allot na sa dialysis."
"Diyos ko ! Hanggang ngayon hindi pa nagsi-sink in sa akin na may sakit ako no?!" Pagbabahagi ng 75 years old na Talent Manager sa PEP.
Nagpasalamat din si Lolit Solis na mayroong naghahanap ng kidney donor para sa kaniya at may tao din na gustong sagutin ang lahat ng kaniyang gastos sa magiging transplant.
"Noong nalaman ni Mayor Enrico Roque (ng Pandi Bulacan) di ba ? sabi niya NAY MAGPAPAHANAP AKO NG DONOR GUSTO MO? napaiyak ako."
"Tapos bigla naman tumawag si Alice Eduardo(CEO -Sta. Elena Construction Corp.)di ba? Sagutin daw niya ang operasyon ng ano ko, yung kidney transplant. napaiyak na naman ako."
"Diyos ko What have I done to deserve this kindness and love? Bakit ang daming angels ang ibinigay ni God para magbantay sa akin?" Pahayag ni Manay Lolit.
Kasi mabait ka sa kanila at marunong ka makisama kaya gusto ka nilang tulongan at buti mababait silang lahat sayo,god bless sa iyo at sa mga sponsors mo,
ReplyDelete