Hindi lahat ng tao sa mundo ay pinanganak na may gintong kutsara sa bibig kung kaya para sa iba ang pag-aaral sa kolehiyo ay isa na lamang pangarap na hindi kailanman matutupad. Ngunit hindi lahat ng tao ay ganito ang pag-iisip, may mga tao din na kahit salat sa buhay ay may determinasyon pa din na abutin ang kanilang mga pangarap.
Isa sa mga taong ito ay si Jerson Entrampas Aboabo, dahil sa kaniyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo ay hindi niya hinayaan na maging hadlang ang kahirapan para hindi niya maabot ang kaniyang mga pangarap.
Dahil sa pagsusumikap na Jerson na matupad ang kaniyang pangarap na makapag tapos ng kolehiyo ay nagpursigi ito na makapagtapos kahit na gumapang pa siya sa pagta-trabaho upang may maibayad lang sa kaniyang matrikula.
Dahil sa kaniyang dedikasyon at pagsusumikap ay nakapag tapos nga ito ng kolehiyo sa Iligan City, Lanao Del Norte. Ngunit hindi lang siya basta nakapag tapos kung hindi gumraduate din siya bilang MAGNA CUM LAUDE sa Mindanao State University Iligan Institute of Technology noong July 27.
Ayon kay Jerson, sumubok daw siyang kumuha ng System Admission and Scholarship Examination(SASE) noong 2018 sa kagustuhan niyang makapag-aral ng kolehiyo, ngunit siya ay hindi pinalad na pumasa dito.
Dahil sa mababang resulta na nakuha ni Jerson sa SASE ay bumaba raw ang tingin niya sa kaniyang sarili noong una sapagkat nakaranas siyang malait, at mabu11y. Kung kaya noon ay naisipan na lamang niya na huwag na mag-aral at magtrabaho nalang.
"Pagkatapos kong malaman na hindi ako nakapasa sa SASE, napaka baba ng tingin ko sa sarili ko. Sinabi ko talaga na baka hindi para sa akin ang IIT, siguro nga ay "tang4" talaga ako,baka "magtatrabaho lang ako" and worst "hindi ako mag-aaral at mag college". 65 lang ang nakuha kong score sa SASE at sa panahong iyon ay matindi ang mga pagtanggi, panghihina ng loob, pambu-bu11y at diskrim1nasyon. Tinanggihan ako sa mga kursong pinasok ko para lang ma-wait-list. Nasiraan ako ng loob dahil hindi ako nakapasa sa taunang pagsusulit sa SASE. I was bu11ied and discriminated just because of my SASE score. Pero ang galing ni Lord binigyan niya talaga ako ng IIT, and dream school ko.Isang araw sabi ko sa sarili ko na papasok ako sa kursong tumatanggap ng score," paglalahad ni Jerson.
"Hindi ako nakapasa sa SASE at ipinagmamalaki ko iyon. Proud in a sense na nakita ko ang lahat ng sakripisyo, pag-urong, kabigu4n, kawalan ng katiyakan at panghihina ng loob. Hindi ako nakapasa sa SASE pero nakita ko rin na holistically ang paglaki ko sa aking pananatili sa IIT."
Ayon kay Jerson naging tulay ang kaniyang mga karanasan na iyon upang mas magpursigi pa siya sa buhay. Kung kaya naman lahat ng sakrispisyo, kabigu4n at panghihina ng loob na dinanas niya ang naging instrumento para magtagumpay.
Kwento pa ni Jerson ay pinasok niya ang maraming trabaho upang masuportahan ang kaniyang pag-aaral at makatulong na din sa kaniyang pamilya.
Pagiging padyak driver ang isa sa mga sumoporta sa kaniyang pangarap upang makamit ang inaasam na tagumpay. Maliban sa pagiging "PADYAK DRIVER" ay nagtitinda din siya ng tubig at milkbar sa kanilang paaralan. Pinasok niya din ang pagtutor at ang pag gawa ng mga Commission work.
Noong una nga daw ay nahihiya pa siya sa kaniyang buhay estudyante at pagiging padyak driver dahil sa hirap ng kanilang buhay, ngunit noong naglaon ay naisip niya na hindi niya dapat ikahiya ang bagay na mayroon siya dahil ito ang susi niya sa kaniyang tagumpay.
Maliban sa suliranin niya sa financial ay nahirapan din siyang mag-adjust sa makabagong paraan ng pag-aaral dahil sa pand3mya. Ayon sa kaniya ay nahihirapan siyang mag online class dahil wala siyang resources katulad ng laptop, cellphone, internet at iba pa na kailangan niya para makasabay sa kaniyang pag-aaral.
Dagdag pa ni Jerson ay hindi niya kailanman malilimutan ang lahat ng journey na pinagdaanan niya sa kolehiyo maging sa mga taong tumulong sa kaniya na lubos niyang pinasasalamatan.
"Nag-iipon lang ako ng tubig at binebenta ko ito ng 20 pesos kada balde.Nahihiya na ako pero habang tumatagal narerealize ko na wala akong dapat na ikahiya dahil nakaraos ako ng high school at college. At OO, DRIVER na ako simula palang noon at masasabi kong mahirap balansehin ang buhay akademiko at pagmamaneho. Nahihiya din ako pero napagtanto ko na walang dapat ikahiya hanggat walang natatapakan na ibang tao."
"Mahirap talaga ang buha, pero nakarating ako sa finish line. Hindi madaling makaranas ng online class at para sa akin ito ang panahon ng kahirapan, Panahon ng kawalan ng katiyakan at panahon ng kahinaan. OO nahirapan akong mag-adjust sa online class knowing that I dont have any resources like laptop, cellphone and other things needed. Sinubukan ko rin na manghingi ng pera sa mga kaibigan ko at mag post para sa PISO PARA SA LAPTOP CAMPAIGN para lang makaligtas sa mga semestre na online class."
"Ang apat na taon ko sa IIT ay tiyak na panahon na hinding-hindi ko makakalimutan sa aking buhay. Gumawa ng komisyon sa trabaho, tahimik na labanan, umiyak sa gabi dahil walang pera sa bulsa, magmaneho at mamulot ng mga damo para kumita. Ang puso ko ay puno ng pagkaalm na ang Panginoon ay kasama ko simula pa noong una. Gusto ko lang magpasalamat sa mga tao na tumulong sa iba't-ibang kaparaanan upang magtagumpay ako sa buhay kolehiyo."
Post a Comment