Pumukaw ng atensyon at papuri sa isang social media post ang tungkol sa kwentong tagumpay ng isa nating kababayan.
Kung ang ibang kabataan ngayon ay hindi binibigyan ng importansya ang kanilang pag-aaral at hindi nakikinig sa payo ng kanilang mga magulang. Ibahin natin ang isa nating kababayan na si Minnie Aveline Juan. Bagama't hindi siya nabigyan ng pagkatataon na makakita ay hindi naman ito naging hadlang upang abutin niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay.
Bagama't hindi nakakakita ay kitang-kita naman ang mga oportunidad na magbubukas para sa kaniya sa hinaharap dahil sa taglay niyang katalinuhan at determinasyon kung kaya't nakuha niya ang pinakamataas na karangalan sa Unibersidad.
Pinatunayan ni Minnie na kailanman ay hindi magiging hadlang ang pagkakaroon ng isang disabilidad upang maabot ang lahat ng kaniyang mga pinapangarap. Pinatunayan niya ito sa lahat ng siya ay magtapos at hirangin bilang SUMMA CUM LAUDE ng kanilang batch.
Si Minnie ay pangalawa sa apat na magkakapatid. Si Minnie ay nagmula sa pamilya ng mga doktor,siya ang pinanganak na bulag. Ang kaniyang mga magulang na pawang mga doktor ay sina Dr. Angelo Juan at Dra. Martia Lilia Juan.
Bata palang ay taglay na niya ang katalinuhan at sipag sa pag-aaral. Sa katunayan ay nagtapos siya ng Elementarya at High School na may bitbit na medalya. Naging Magna Cum Laude din siya sa Trinity University of Asia sa kursong Bachelor of Arts in English.
Nakamit din niya ang pinakamataas na karangalan sa Virgen Milagrosa University bilang Summa Cum Laude sa kursong Bachelor of Elementary Education Major in Special Education.
Si Minnie ay nagturo sa kaniyang mga kapwa visually impaired sa Vergen Milagrosa University sa Pangasinan.
Sa ngayon ay mayroon na din siyang sariling pamilya at biniyayaan na din ng isang supling.
Pinatunayan ni Minnie na kahit may pagkukulang sa kaniyang buhay ay hindi ito ang dahilan upang hindi siya mamuhay ng normal at mangarap para sa kaniyang sarili at sakaniyang pamilya.
Post a Comment