Nakilala si Norman Mangusin o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos noong panahon ng p4ndemy4 kung saan ay namahagi siya ng kaban kaban na bigas sa ating mga kababayan. Siya din ang nagpasimula ng "MAYAMAN CHALLENGE".
Ang "MAYAMAN CHALLENGE" ay ang paraan ng paghahamon ni FLM(Francis Leo Marcos) sa mga mayayaman na gayahin ang kaniyang ginagawang pagtulong sa mga tao.
Ngunit may mga ilang tao na nagsasabi na mangga-gantso lamang noon si Mangusin at nagpapanggap lamang ito na mayaman upang makahanap siya ng bago niyang bibiktimahin.
Ang lahat ng paratang na ito ay itinanggi naman ni FLM at sinabing nais lamang niya na tumulong sa kaniyang mga kababayan.
At nito nga lang Agosto 4,2022 ay hinatulan na si Francis Leo Marcos (FLM) ng tatlong(3) taon na pagkaka-kulong. Ito ay matapos na mapatunayan na nilabag niya ang "ANTI ALIS LAW" dahil sa pag gamit nito ng pangalan ng pamilyang Marcos kahit na ang kaniyang tunay na pangalan ay "NORMAN MANGUSIN ANTONIO".
Ayon sa desisyon ng korte "With the documentary and testimonial evidence adduced, this Court is fully convinced that the prosecution has succeeded in proving the guilt of the accused, Norman Mangusin y Antonio alias Francis Leo Marcos y Antonio beyond reasonable doubt."
Ngunit hindi lamang ito ang kasong kinahaharap ngayon ng internet personality na si Francis Leo Marcos dahil may mga mas mabibigat pa na kaso ang kahaharapin nito na hindi pa napag dedesisyunan ng korte.
Matatandaan naman na tumakbo pa si FLM sa pagka senador nito lamang na nakaraang halalan ngunit ito ay natalo din.
Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng mga awtoridad si Mangusin upang harapin pa ang mga mas mabibigat na kaso laban sa kaniya.
Post a Comment