Isang malaking responsibilidad nga ang pagiging isang magulang lalo na ang pagiging isang ina. Dahil kapag ikaw ay isa ng ganap na ina halos wala ka ng matitira na oras para sa sarili mo dahil kulang pa ang buong araw mo para sa lahat ng kailangan mong gawin para sa anak mo o sa pamilya niyo.
Walang ligtas ang isang ina sa walang katapusan na gawaing bahay at pag aaruga sa kanilang pamilya at anak kahit pa nagtatrabaho siya o maging housewife man.
Dahil sa mga bagay na kailangang gawin ng mga ina ay hindi na nila napapansin minsan na napapabayaan na nila ang kanilang sarili. Manang, Losyang, Haggard, ilan lamang ito sa mga salitang naibabato ng mga taong hindi naiintindihan ang bigat ng pagiging isang dakilang ilaw ng tahanan.
Ngunit ibahin niyo si Mommy Juju Valdez Tala. "MAY ANAK NA PERO FEELING DALAGA PA DIN MANAMIT."
Sa kaniyang trending na facebook post ay makikita mo ang mga larawan ni Mommy Juju na pusturang pustura habang hawak-hawak niya ang kaniyang anak.
Ayon sa kaniyang post, sa Pilipinas daw madalas kapag nanay ka na ay hindi ka na pwedeng magpa-sexy, magdamit dalaga o magpaganda.
Dahil ang tingin daw ng iba ay hindi na naaayon ang mga ganitong pustura sa sitwasyon mo bilang isang ina. Kaya kung minsan ay napagbibintangan pa na pabaya sa pamilya o anak.
"Yes it's true, mahirap maging nanay. You need to wash your baby's clothes, sanitize bottles, feed, comfort, in short WALANG DAY OFF."
Ayon pa sakanya totoo daw na dahil sa hirap ng pagiging isang magulang ay hindi maiiwasan ang pakiramdam na nakaka panget ang pagiging isang nanay.
"There are times I feel ugly too and thats the reason I always choose to make myself pretty whenever possible. I don't have anything against moms who dont get the time to do skin care or make up."
Paglilinaw din nito na walang problema kung hindi ka mahilig mag ayos at magpaganda, nasa tao na lang talaga kung paano nila gustong dalhin ang sarili nila.
"Again iba-iba tayo ng way to express ourselves. IF IT MAKES SOMEONE HAPPY AND IT DOESNT HURT YOU LET THEM!"
Bawat magulang ay may kaniya-kaniyang kwento ng sakripisyo kung kaya ay hindi na kailangan pa na bigyan ng pansin o husgahan sila base lamang sa kanilang postura ng pananamit at hitsura.
Ang pinaka importante lang ay hindi nila napapabayaan ang kanilang pamilya at anak.
Post a Comment