Si DAGUL o si Romy Pastrana sa totoong buhay ay isa sa mga sikat na komedyante sa mundo ng showbiz na nagbibigay ng walang sawang saya sa mga tao sa kaniyang pagpapatawa.
Sa kabila ng masayahing mukha at paghahatid ng saya ni Dagul sa mga tao ay kabaliktaran naman ang nangyari ngayon sakaniya. Dahil sa iniinda niyang karamdaman ay tila naging isang drama at puno ng pagsubok ang buhay niya ngayon.
Ayon sakanya ay hirap na umano siyang maglakad na mag-isa kaya naman ay madalas naka wheelchair na lamang siya at minsan naman ay binubuhat na lamang siya ng kaniyang anak kapag nais nitong lumipat ng ibang pwesto.
"Hindi na siguro kaya ng bigat ng katawan ko, out balance talaga. Kumbaga sa kandila ay parang nauupos na."
Kwento pa ni Dagul ay sinubukan pa niya daw dating tumakbo bilang isang konsehal sa kanilang lugar ngunit siya ay hindi pinalad na manalo.
"Tumakbo akong konsehal. Hindi naman ako pinalad, walang kumukuha kaya raket-raket nalang muna.... sabi ko nga sikat ka man noon, lumubog ka ngayon. Ang showbiz ay weder-weder lang."
Ayon pa sa kwento niya ay nakapundar naman daw siya ng bahay para sa kaniyang pamilya noong maganda at maayos pa ang kinikita niya sa kaniyang karera sa pag arte, ngunit naubos na din umano ang kaniyang mga ipon.
"Sabi ko sa mga anak ko tiis-tiis lang ganun talaga ang buhay, hindi yung lagi tayong nasa itaas minsan nasa ibaba din."
Kwento pa niya ay sobra daw siyang nahihiya na humingi ng tulong sa mga dati niyang kasama sa showbiz ngunit kung minsan daw ay nilulunok na lamang niya ito alang-alang sa pamilya niya.
Si Benjie Paras na isa din sa dati niyang nakatrabaho sa showbiz ang madalas umanong nandiyan kapag kailangan niya ng tulong na pinansiyal.
"Napakabait, Kapag tinetext ko yan na walang wala talaga ako , nagrereply yan , SIGE BROD MAGPAPADALA AKO," pagbabahagi ni Dagul.
Noong malaman daw umano ni Benjie ang naging kalagayan ng kaniyang kaibigan na si Dagul ay agad daw niyang binisita ito para malaman ang tunay na kalagayan.
"Nabalitaan ko nga na hindi na siya makalakad. Kung sakaling magkakaroon siya ng mga role, limitado na. Kung mapayagan na makagawa ng show ulit maisama kita. Ang role mo lang naman ay doon sa loob ng bote so hindi ka gagalaw,"pahayag naman ni Benjie.
Tunay nga na kahit anong estado pa ng buhay mo ngayon mapa artista, politiko o mayaman ka man kapag dumating ang panahon na subukin ka na ng pagkakataon ay nababalewala din ang lahat ng bagay na mayroon ka. Ngunit para sa mga taong katulad ni Dagul na hindi lang kasikatan sa pagpapatawa ang kaniyang napundar ngunit nakapundar pa siya ng mas higit pa sa pera.
Iyon ay ang pagkakaroon ng mabuting kaibigan na katulad ni Benjie Paras na hindi nag atubili na tulungan siya sa panahong pinaka kailangan niya. Nawa ay muling mabigyan ng proyekto si Dagul sa industriya ng showbiz ng muling masilayan ng mga tao ang tunay na ngiti ni Dagul.
Post a Comment