Inutos ni Pangulong Ferdinand "BongBong" Marcos Jr. na imbistigahan ang diumanoy kumakalat na pekeng appointment papers ni Atty. Abraham Espejo bilang Commissioner ng Bureau of Immigration(BI).
Si Espejo ay kinilala bilang dating abogado ni Pangulong Joseph Estrada, na ngayon ay abogado din ni Francis Leo Marcos - FLM.
Sa pahayag ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles sinabi niya na iniimbestigahan na ngayon ng National Bureau of Investigation(NBI), PNP-CIDG at Department of Justice(DOJ) ang pinagmulan ng nasabing appointment papers ni Espejo.
Sa kumakalat na appointment papers ay makikita ang mismong pirma ni PBBM na diumano ay pineke lamang ayon kay Angeles.
Sinabi pa ni Angeles na mabigat ang penalty na kahaharapin ng tao na nasa likod ng pekeng appointment na ito.
"Tandaan natin, signature ng ating Pangulo ang pinaghihinalaan nating na-forge so medyo mabigat yung implications niya. Hindi rin natin alam kung ano ang maaaring paggamitan ng mga ganung klaseng dokumento."
Kinumpirma pa ni Angeles na hindi naglabas ng appointment papers ang Presidential Management Staff(PMS) para kay Espejo.
Hanggang ngayon naman ay wala pang opisyal na pahayag si Espejo tungkol sa isyu na ito.
Post a Comment