Isang College Graduate kinukutya, dahil sa pagiging Promodiser lamang nito, basahin.

Isang College Graduate kinukutya, dahil sa pagiging Promodiser lamang nito, basahin.

Isang College Graduate kinukutya, dahil sa pagiging Promodiser lamang nito, basahin.

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ay marami sa mga negosyo at kumpanya ang labis na naapektuhan. Upang makapagpatuloy pa rin ang ilan sa mga negosyo ay nagbabawas sila ng mga empleyado kung kaya naman ay marami din ang nawalan ng trabaho. Ang ilang kumpanya naman ay tuluyan na ring nagsara.

Kung dati ay pahirapan na ang paghahanap ng trabaho, mas lalo na ngayon dahil iilan na lamang ang mga kumpanya at negosyo ang bukas o naghahire ng mga bagong empleyado.

Isa na nga rito ay si Lhanglang Apal na kagagraduate lamang noon sa kolehiyo.

Ibinahagi niya ang natatangap niyang pamumuna sa kaniya mula sa mga taong mapanghusga dahil lamang sa kaniyang trabahong pinapasukan kahit pa siya ay nakapagtapos ng kolehiyo.

Aminado siya na nahirapan siyang maghanap ng papasukang trabaho. Ngunit hindi siya huminto at pinairal niya ang pagiging madiskarte hanggang sa siya ay matanggap na sa isang trabaho.

Siya ay natanggap bilang isang promodiser. Hindi man ito ang trabahong angkop sa natapos niya sa kolehiyo, ito naman ay marangal at basta kumikita siya ay wala naman siya umanong dapat ikahiya kahit na makatanggap siya ng mga pangungutya.

Narito ang kabuuan ng kaniyang post:

Sabi nila ako daw ay College Graduate tapos hindi ko ginamit yung kurso ko kasi isang Promodiser/Promo Girl/Push Girl lang ako. Nasaan na ba daw ang tinapos ko at bakit ito lang ang trabaho ko ngayon? Well sa hirap na maghanap ng trabaho ngayon, sa hirap makapasok sa mga Hotels ngayon bakit pa ko hindi papasok sa ganitong trabaho?

Kailangan ba talaga na kung ano ang tinapos mo ay yun din dapat ang present work mo sa ngayon? Let me remind you guys na hindi yan nagmamatter sa kung ano man ang natapos mo na kurso sa trabahong meron ka ngayon. DISKARTE na ang kailangan ngayon.

Ekis na yung puro ka kaartehan at pamimili ng trabaho kasi hindi tayo uunlad diyan. As long as legal at marangal ang trabaho at wala kang pili at arte ay PWEDE KA! PLEASE baguhin niyo ang ganiyang mindset na kesyo nakapagtapos ka ng kolehiyo at gumradweyt ka sa kursong kinuha mo ay wala ka ng right na magtrabaho sa ibang bakante na posisyon.

So kung ikaw attitude ka at gusto mo ay kung ano ang natapos mo at yun din dapat ang trabaho mo, pano kung wala palang vacant na kurso mo sa trabaho? Tutunganga ka nalang ba? Mag aantay ka kung kailan ka makapagtrabaho sa kurso mo?

BIG NO! NO! Dapat ay mayroon kang 2nd option, kasi kung maghihintay ka lang kung kailan may magbubukas na posisyon sa nataps mo, kung attitude ka hindi ka talaga aasenso niyan. Hanggat may panahon pa change your mindset. Kung ikaw ambisyosa ka at napakapihikan sa trabaho wala kang maaabot.

Sabi nila "Ambition is the first step to success, the second step is action" so kung ikaw ay hanggang ambisyon lang at wala kang ginagawang aksyon, useless lang lahat ng mga ambisyon mo. Kaya magsumikap ka.

Sabi nga nila "It's better to take any job to pay them bills until you can find better,Pride doesn't pay bills" wala kang trabaho? maghanap ka ng kahit anong trabaho. Don't sit at home waiting for the magical opportunity, do something until you can do something else.

1 Response to "Isang College Graduate kinukutya, dahil sa pagiging Promodiser lamang nito, basahin. "

  1. Online casino games – Play for free - Aprcasino
    Our online casino software 카지노 사이트 큐어 벳 allows you to play your favorite casino games. These games are offered in various languages and formats. You can also play any

    ReplyDelete



close