Estudyante mula Leyte nanalo ng 20 Milyones sa int'l science competition matapos talunin ang 11,000 entries sa buong mundo

Estudyante mula Leyte nanalo ng 20 Milyones sa int'l science competition matapos talunin ang 11,000 entries sa buong mundo

Estudyante mula Leyte nanalo ng 20 Milyones sa int'l science competition matapos talunin ang 11,000 entries sa buong mundo

Maliban sa sipag at tiyaga , talino ang isa pa sa puhunan para maabot ang ating mga pangarap at magtagumpay sa buhay ng walang tinatapakan na ibang tao. Dagdag mo pa diyan ang pagiging madiskarte o malikhain na natural ba sa mga Pilipino, at tiyak na magwawagi ka sa anumang hamon ng buhay.

Maraming beses na itong napatunayan ng mga Pinoy na hindi nagpatinag sa anumang pagsubok at nalagpasan ang mga problema kaya naman ay natamasa nila ang tagumpay. Isa na dito ang estudyante na mulasa Tacloban, Leyte na isang Yolanda survivor.

Matatandaang hinagup!t ng matindi ng bagyong yolanda ang probinsya ng Leyte noong 2013. Isa na ang pamilya ng Grade 12 student na si Hillary Diane Andales sa naapektuhan ng pananalasa ng bagyo.

Kwento ni Hillary "We had to run up to our double deck bed kasi we didnt have a second floor."

Saad pa niya "My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on to those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided."

Laking pasalamat pa din ni Hillary na walang napahamak sa kanilang pamilya nang binayo ng bagyo ang kanilang probinsya. Kung kaya naman bukod sa pagmamahal niya sa Science ay nagbigay daan din ang pagsubok na iyon para lalo siyang magsumikap sa buhay at manalo sa isang napakalaking kumpetisyon na nilahukan ng 11,000 partisipante mula sa buong mundo.

Itinanghal na grand prize winner ang pride ng Leyte na si Hillary sa International Science Competition na Breakthrough Junior Challenge na kinalahukan ng 178 countries.

Hinirang na kampeon ang genius student na si Hillary at nagkamit siya ng napakalaking papremyo gamit ang kaniyang proyekto na pinamagatang "Relativity and the Equivalence of Reference Frames."

Inuwi ni Hillary ang total prize niya na nagkakahalaga ng P20 million, kabilang na dito ang reward sa kaniyang mga guro, paaralan at scholarship grant.

Ipinaliwanag niya ang kaniyang entry na Theory of Relatively sa malikhain at simpleng paraan sa tulong ng cellphone at pick-up truck.

Ang layunin ng patimpalak na iyon ay ang parangalan ang mga matatalinong estudyante na kayang ipaliwanag sa Layman's Term o simple at mas malinaw na paraan ang mga kumplikado at minsan ay mahirap intindihin na mga bagay sa siyensya.

Para sa kaniya ang tingin niya sa kaniyang oras ay "pera".

"If I don't think about my time as money,I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource."

"It's a good way to look back on my growth."

"When I look at my attempts folder, I see myself as someone who's not afraid of failure and someone who is going into things, entering into things with the intent to grow, not to win," saad pa niya.

Bata pa lang si Hillary ay na hook na agad siya sa siyensya dahil imbis na fairy tales ang ikwento sa kaniya ng kaniyang mga magulang ay puro science trivia na ang ibinabahagi ng mga ito sa noon ay maliit pang si Hillary.

Post a Comment



close