Binatilyo na tanging kamote lang ang kinakain umantig sa mga netizen. "Wag kayong tamarin. Maawa kayo sa mga magulang niyo"

Binatilyo na tanging kamote lang ang kinakain umantig sa mga netizen. "Wag kayong tamarin. Maawa kayo sa mga magulang niyo"

Binatilyo na tanging kamote lang ang kinakain umantig sa mga netizen. "Wag kayong tamarin. Maawa kayo sa mga magulang niyo"

Isang video ang umantig sa mga netizen at nagpamulat sa mga kabataan na hindi madali ang buhay at maraming tao ang nakakaranas ng matinding kahirapan.Siya ay kinilalang si Jhon Errol Mampusti na mula pa sa Tugos Boac, Marinduque. Siya ay isang tiktok user na nag viral dahil sa pagpapakita niya ng kaniyang totoong buhay.

Ipinakita niya ang kaniyang kinakain na kamote at pinayuhan niya din ang mga kabataan na kumilos din sa bahay bilang tulong para sa kanilang mga magulang.

Madalas pa umano na naiingit ang kaniyang mga kapatid sa mga batang inuutusan pa ng mga magulang na maghugas ng plato."Alam mo kapatid,ako'y naiinggit sa mga bata diyan na inuutusan pa ng kanilang mga magulang na maghugas ng pinggan pagkatapos kumain."

Payo pa niya sa mga kabataan ay "Huwag kayo tamarin, huwag kayong tamarin na maghugas ng pinggan kasi po , kung kakain nalang kayo tapos sila pa ang paghuhugasin nyo diba? nakakaawa naman ang mga magulang natin kung ganoon."

"Tingnan niyo po ako, tingnan niyo yung pinggan ko kung ganito lang naman huhugasan niyo magkusa nalang kayo."

"Tingnan niyo po yung kinakain ko, tanghaling tapat yan. Di ba, alas dose na ganito kalaking pinggan. KAMOTE LANG MALAKAS."


Sinabi niya rin na wala pa umanong sahod ang kaniyang ama kung kaya tanging kamote lang muna ang kaniyang kinakain.

"Pasensiya na kayo ha, wala kasi kaming kanin e, kaya kamote na lang muna. Hindi pa kasi sumasahod si Papa. So kain. Huwag kayong tamarin maghugas kasi maawa naman kayo sa mga magulang niyo."

Sa ngayon ay isa ng ganap na vlogger si Jhon at mayroon na rin siyang 152k subscribers. Sa kaniyang mga vlogs ay ibinahagi niya ang mga nangyari at sitwasyon sa kaniyang buhay.

Post a Comment



close