Batang lalaki kumakayod para may pambili ng gatas para sa pamangkin na 7-months old.

Batang lalaki kumakayod para may pambili ng gatas para sa pamangkin na 7-months old.

Batang lalaki kumakayod para may pambili ng gatas para sa pamangkin na 7-months old.

Kailan lang ay nag viral ang larawan ng batang lalaki na karga-karga ang kaniyang pamangkin habang sila ay nagtitinda ng sampaguita sa Quezon City

Si Jesmar Oftana ang nagbahagi ng mga larawan nito. Makikita sa larawan na karga ng batang lalaki na kinilalang si Rain Sarita ang kaniyang pamangkin.

Sa larawan ay makikita na nakaupo silang dalawa sa may paanan ng bridge at naghihintay ng mga customer.

Pagbabahagi ni Rain, siya daw ay nagtitinda ng sampaguita para may pambili siya ng gatas ng kaniyang pamangkin. Dahil sa pagmamadali ni Jesmar ay hindi na niya naitanong pa ang ibang detalye tungkol sa buhay ng binata.

Aniya ni Jesmar ay ang tanging naisip lamang niya nung mga oras na iyon ay ang matulungan ang mga bata kahit sa maliit na halaga man lang.

Isa pa sa dahilan kung bakit nagtitinda ni Rain ay dahil kailangan niya ng pambili ng gamot para sa kaniyang sugat na nakagat ng aso.

Narito ang buong post :

"Nakasabay ko po sila sa jeep habang pauwi ako galing sa pinapasukan ko. Hindi ko siya masyado nakausap. Maliit na halaga lamang ang nakayanan kong ibigay dahil iyon lang ang kaya ng pera ko.

"Naglalako siya ng sampaguita para daw siya ay may pang bili ng gatas ng kaniyang pamangkin. Pamangkin po niya ang bitbit niyang sanggol, ito ay 7 months old palang. Pambili din ng gamot dahil siya ay nakagat ng aso.

"Hindi ko na din pinicturan ang sugat niya. Nakaramdam po ako ng awa dahil isa rin po akong ama. Nakuha ko po iyang litrato nila sa may fishermall sa Quezon City. Sakto naman din po kasi pinalipat ako ng jeepney driver kasi wala ng pasahero. Biyaheng pro2.3. 

"Kinuha ko na rin ang pangalan niya at address pati contact number. Sana po may makapansin ng post na ito.

"Siya po ay si Rain Sarita taga 2C Makabayan Dolo. #09531737746."

Post a Comment



close