Ama na delivery rider, hinangaan online dahil hindi naging hadlang ang kapansanan nito para suportahan ang pamilya

Ama na delivery rider, hinangaan online dahil hindi naging hadlang ang kapansanan nito para suportahan ang pamilya

Ama na delivery rider, hinangaan online dahil hindi naging hadlang ang kapansanan nito para suportahan ang pamilya

Maraming netizen online ang humanga sa ipinakitang kasipagan at katatagan ng isang ama na delivery rider.

Lahat ng tao ay may kaniya kaniyang suliran1n sa buhay ngunit na sa atin parin kung paano natin ito haharapin at lalagpasan.

Katulad na lang ng isang delivery rider na hindi sumuko sa buhay kahit na siya ay nawalan ng binti.

Sa isang post na larawan ni Avril Avril Avril ay makikita ang isang delivery rider na nagdedeliver habang suot ang isang prosthetic limb.

Si tatay ay isang rider ng Lalamove na tagahatid ng mga orders online. Napahanga si Avril sa pinakitang sipag at diskarte ni tatay  dahil kahit na ito ay may kapansanan ay hindi ito naging hadlang sa kaniya.

Saad pa ni Avril ay kahit na nahihirapan si tatay sa kaniyang sitwasyon ay hindi parin ito tumigil upang maghanap buhay.

Sadya ngang hindi basta basta napapasuko tayong mga pilipino basta para sa ating pamilya.

"Ito ang tunay na masipag at madiskarte, lumalaban sa buhay kahit na mahirap ang sitwasyon natin ngayon dahil sa pand3mic."

"Saludo ako sa iyo tatay dahil kahit na ganyan ang kalagayan mo at hirap ka na maglakad ay diretso ka parin sa pagtatrabaho."

"Kung inyo pong mapapansin ay bakal ang kanang side ng paa ni tatay. Kung kaya siya ay hirap tumayo at kahit na mabigat po ang pinadeliver ko na dimsum ay hindi po siya nagcancel. Hindi ko rin po kasi expected na ganun po ang kalagayan ni tatay. Basta ako po ay saludo sa iyo tatay."

Hindi lamang si Avril ang humanga at sumaludo sa katatagang pinakita ni tatay kundi pati na rin ang mga taong nakakita nito.

Sadya ngang walang makakapigil sa taong may pagmamahal sa pamilya. Kahit na anong pagsubok ang dumating sa buhay, kahit na may kakulangan sa parte ng katawan ay hindi ito hadlang para magsumikap at may maipakain sa pamilya.

Post a Comment



close