MAGSASAKA AT TRICYCLE DRIVER NA AMA PROUD NA NAKAPAGPATAPOS NG ANAK NA DENTISTA AT PHARMACIST

MAGSASAKA AT TRICYCLE DRIVER NA AMA PROUD NA NAKAPAGPATAPOS NG ANAK NA DENTISTA AT PHARMACIST

MAGSASAKA AT TRICYCLE DRIVER NA AMA PROUD NA NAKAPAGPATAPOS NG ANAK NA DENTISTA AT PHARMACIST

Kailan nga ba naging marangal ang pagiging isang tricycle driver ?

Ito ay binigyang sagot ng isang anak ng magsasaka at tricycle driver na nakapagpatapos lang naman ng isang anak na Dentista at Pharmacist dahil sa pagtitiyaga at pagpupursige na pamamasada ng kaniyang ama. Ito ang naging pangunahing pinagkakitaan ng pamilya nila upang makapagtapos silang magkakapatid sa pag- aaral magmula Elementarya hanggang sa Kolehiyo.

Sa isang social media post ni Marga Santiago Suobiron, maraming tao ang humanga sa katatagan, pagsisikap at sakripisyo ng kaniyang mga magulang higit sa lahat sa kaniyang ama, dahil sa maliit na kita nito bilang tricycle driver ay nagawa pa din nitong suportahan ang mga anak sa kanilang pag-aaral.

Ayon sa post ni Marga,"Tulog pa kami ay nagtatrabaho na ang papa ko sa farm namin. Umaalis siya ng bahay minsan ay 4am at minsan naman ay 5am. Pag uwi niya, maliligo laang siya tapos hahatid niya kami ng 6am or 7am. After niya kami ihatid, mamamasada na siya. Kada may kita siya sa pasada nilalagay niya yung 5peso coin sa ibabaw ng drawer iniipon niya".

Ito naman ang kabuuan ng kaniyang post:

    When I was about to enter into College I really wanted to be a flight attendant, but my mom said "Accountancy nalang ang kunin mo gaya ko." I didn"t agree kasi hate na hate ko talaga ang math, and my dad said, "mag dentistry ka nalang, magiging Doctor ka."

    I didn't agree at first kasi alam ko kung gaano kagastos ang dentistry. From the tuition to materials hanggang sa patients magastos. Sabi ng mom ko "hindi natin kaya magpa-aral ng dentista." (OO alam ko kasi yung papa ko ay magsasaka at TRICYCLE DRIVER LANG). Ngunit sabi ng papa ko "okay lang yan mag enroll ka kaya natin yan, pagsisikapan ko yan! " and he did.

    Tulog pa kami ay nagtatrabaho na ang papa ko sa farm namin. Umaalis siya ng bahay minsan ay 4am at minsan naman ay 5am. Pag uwi niya, maliligo laang siya tapos hahatid niya kami ng 6am or 7am. After niya kami ihatid, mamamasada na siya. Kada may kita siya sa pasada nilalagay niya yung 5peso coin sa ibabaw ng drawer iniipon niya. Then kapag may babayaran sa school ay dun siya kumukuha. Minsan ay hihingi ako ng 500, 1k, 5k hanggang sa humingi ako one time ng 20k pambili ng materials ko sa school. Sabi ko "Papa kailangan ko po ng 20k nextweek pambili ng dental materials." Hindi siya umangal OO lang ng OO si papa. Hanggang sa nakagraduate ako ng College namamasada pa din si papa.

    Simula Grade 1 kami hanggang sa maging tunay na dentista ako yung tricycle na iyon yung naghahatid sundo sa amin. Dahil sa TRICYCLE DRIVER kong tatay ay nakagraduate ako ng Elementary, Highschool, College at naging isang DENTISTA. Nakagraduate ang kapatid ko ng Pharmacy ng dahil din sa tatay naming "TRICYCLE DRIVER" I am not giving all the credits to my father sa pag gastos sa pag aaral namin. Dahil nandiyan din ang mama ko, mga tita at pinsan ko na tumulong din sa amin, pero alam ko yung tunay na hirap ng tatay sa pamamasada. Mainit, maulan, may bagyo man o wala alam ko ang hirap ng isang tricycle driver. Alam ko dahil nakikita ko ang tatay ko.

    You have NO RIGHT na sabihin na HINDI KAILAN MAN NAGING MARANGAL ang pagiging isang TRICYCLE DRIVER ! Hindi nila ninanakaw ang perang kanilang pinaghihirapan. Nagtatrabaho sila ng marangal upang mapakain ang kanilang pamilya at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. They have dreams too, a dream na maabot ang pangarap ng kanilang mga anak.

    At ate, hindi lahat ng TRICYCLE DRIVER ay walang pinag-aralan. Dahil ang tatay ko ay tricycle driver pero nakapagtapos po siya ng MARINE ENGINEERING. Pinili lang niya na maging tricycle driver at farmer kasi gusto niya na makita kaming lumaki. Siguro malayo na ang narating mo kaya ka ganyan. Magingat ka baka balang araw mataas din bagsak mo.

    MY FATHER IS A FARMER AND A TRICYCLE DRIVER AND HE IS MY REAL LIFE SUPERHERO. NOTHING CAN CHANGE THAT. TO PAPA AT SA LAHAT NG TRICYCLE DRIVER, SALUDO PO KAMI SA INYO !!! 

- Love, ang mga anak mong DENTISTA AT PHARMACIST.

Hi #boknoyglamour :)

Post a Comment



close