Lolo matiyaga na pinapayungan ang mga apo sa bundok, makapag-aral lamang

Lolo matiyaga na pinapayungan ang mga apo sa bundok, makapag-aral lamang

Lolo matiyaga na pinapayungan ang mga apo sa bundok, makapag-aral lamang

Hindi naiwasan ng mga netizen ang maantig at maawa sa isang lolo na sinasamahan ang kaniyang mga apo sa bundok para payungan ang mga ito. 

Agad na nag viral ang post ng isang guro sa Senior High School sa Genitigan Baras, Catanduanes na si Jorge Tejada.

Bumilib ang mga tao kay lolo Arnulfo sapagkat matiyaga niyang sinasamahan para payungan ang kaniyang mga apo sa bundok upang makakuha lamang ng signal para sa makapag research at masagutan ang kanilang mga module.

Dahil sa dinaranas nating p4nd3mya ay hindi maari na makapag-aral ng face to face ang mga mag aaral kung kaya naman ay online class o module na ang pamamaraan ng pagtuturo ngayon.

Para sa mga mag-aaral na nasa siyudad ay walang problema ang internet ngunit para sa mga mag-aaral na nasa probinsya ay pahirapan ang paghahanap ng signal para makapag online.

Dahil sa mainit at mahirap nasitwasyong nakikita ni lolo na ginagawa ng kaniyang mga apo ay naawa siya sa mga ito kung kaya naman ay sinasamahan niya ang mga ito bilang tagapag payong. Nasa tabi lamang siya ng kaniyang mga apo nakaupo at naghihintay na matapos ang pagsagot ng kanilang mga module.

Bagamat si lolo ay matanda na kaya pa rin niya na maglakad ng malayo.

Nakita sila ni teacher Jorge at naawa siya kay lolo dahil inaabot ng 30 minuto ang kanilang paglalakad bago sila makarating sa signalan.

Nabahala naman ang mga netizen sa kalagayan ng matanda dahil sa edad nito. Dapat daw umano ay nagpapahinga nalang ito sa bahay.

Ngunit hindi naman maaalis ang pagmamahal ni lolo sa kaniyang mga apo. Marahil ay nag-aalala din siya sa kapakanan ng mga ito lalo na kapag umaalis ang mga ito.

Nawa ay matapos na ang pand3my@ang ating kinakaharap para bumalik na ang lahat sa dati at maging maayos na muli ang sistema ng ating edukasyon.

Post a Comment



close