May kasabihan tayo na "Walang imposible o mahirap na trabaho sa taong may mataas na pangarap".
Patunay nga dito ang isang college student na si Marvin Daludado na doble kayod sa pagpasada ng jeep upang may maitustos sa kaniyang pag aaral at makatulong din sa kaniyang mga magulang.
Labis na hinangaan ng mga tao ang kwentong ito ni Marvin sa isang post sa social media. Dahil sa kaniyang kasipagan at pagsisikap ay nakapagtapos nga siya ng kursong Bachelor's Degree in Science and Information Technology.
Si Marvin ay isang estudyante mula sa Caloocan. Nagsimula siyang mamasada ng jeep sa edad na labing pitong taon. Naisipan daw niya na mamasada upang mayroon siyang pambaon at pambayad na rin ng kaniyang tuition fee.
Ayon sa kaniya , sa simpleng pamamaraan niyang ito ay napakalaking tulong na ito sa kaniyang mga magulang upang mabawasan ang kanilang intindihin sa kanilang magkakapatid.
Taong 2015 ng siya ay nagsimulang mamasada, ngunit siya ay pinahinto rin ng kaniyang mga magulang. Ang kaniyang ama kase ay isang jeepney driver din. Dahil sa pinapakita niyang kasipagan at dedikasyon sa pagahahanap buhay ay pinayagan na rin siya ng kaniyang mga magulang na mamasada.
Ayon kay Marvin ay nagsisimula siyang bumiyahe tuwing alas singko ng umaga at uuwi ng alas syete ng umaga upang pumasok naman sa kaniyang paaralan.
Minsan nga daw ay halos malate siya sa kaniyang klase, dumadaan na lamang daw siya sa mga shortcuts upang makauwi ng maaga.
"May times na male-late na ako, minsan kasi dumadaan ako sa mga shortcuts tapos kapag may enforcer na nakita ako siyempre huhulihin ka nila kasi hindi ka dumaan sa ruta mo. Pinapakiusapan ko na lang sila na male-late na ako sa eskwela , tapos ayun minsan pinagbibigyan naman nila ako," aniya ng binata.
Kapag may mga kailangan siyang bayaran sa eskwela ay pumapasada pa ang binata pagtapos ng kaniyang klase upang makaipon ng pambayad sa kaniyang mga bayarin sa paaralan.
Ngunit dahil sa pandemyang dumating sa ating lahat ay natigil ang binata sa kaniyang pamamasada, ngunit hindi ito ang pipigil sa mga pangarap ni Marvin. Dumiskarte siya para magkaroon ng pagkakakitaan kung kaya't siya ay nagtinda ng prutas at gulay sa gilid ng kalsada.
Hanggang sa dumating na nga ang oras na nagbunga na ang lahat ng pagod at pagsasakrispisyo ni Marvin ng makamit na niya ang minimithing pangarap na makapagtapos ng kursong Bachelor's Degree in Science and Information Technology.
Nais magpasalamat ni Marvin , una sa lahat ay sa ating poong may kapal at sa suporta ng kaniyang mga magulang, kaibigan at pati na rin sa kaniyang mga naging pasahero.
"Nagpapasalamat ako kay Lord, sa aking mga magulang, mga kaibigan at pati na rin sa aking mga naging pasahero dahil sa inyong mga pamasahe ay hindi rin ako makakapagtapos," masayang pahayag ni Marvin.
Dahil sa sipag at tiyaga niya sa pamamasada ay narating niya ang kaniyang destinasyon na makapag tapos ng pag-aaral. Lahat ay posible sa taong may pangarap sa buhay, nawa ay nagbigay ito ng inspirasyon sa ating lahat lalo na sa ating mga kabataan.
"Graduate na ako hindi lang sa pag aaral kundi pati sa pagiging Jeepney driver salamat sa mga naging pamasahe ninyo, hidi man natuloy yung una kong course na Computer Engineering atleast nakapagtapos na rin ako kahit walang martsa ang mahalaga ay nakaraos na," dagdag pa ni Marvin.
Post a Comment