Isang Engineer, nagbahagi ng sikreto kung paano siya ay nakapagtapos sa tulong ng 4P's Scholarship

Isang Engineer, nagbahagi ng sikreto kung paano siya ay nakapagtapos sa tulong ng 4P's Scholarship

Isang Engineer, nagbahagi ng sikreto kung paano siya ay nakapagtapos sa tulong ng 4P's Scholarship

Usap-usapan kamakailan lang ang tungkol sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P's) dahil sa ilang miyembro na kung saan ay winawaldas lang ng mga ito ang benepisyo na natatanggap nila mula sa programang ito ng gobyerno.

Sa kabila naman ng usapin na ito, pinatunayan parin ng isang lalaking 4P's iskolar na hindi lahat ng miyembro nito ay nailulustay lang sa mga walang kabuluhang bagay at hindi nagagamit sa tama ang kanilang benepisyo.

Sa isang post nga ni Marvin Arnoza na isa ng engineer ay ikinuwento niya kung paano siya natulungan ng 4Ps at kung paano siya ay naging matagumpay ngayon.

BASAHIN NATIN ANG BUONG KWENTO :

Makikiraan lang sa newsfeed ninyo.

Ang aming pamilya ay kabilang sa programa ng gobyerno na 4Ps. Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang experience ko bilang iskolar ng 4Ps, iskolar ninyo, OPO dahil alam ko na buwis ninyo ang isa sa mga nagpaaral sa amin.

Pagsasaka at pagkokopra ang ikinabubuhay ng aming pamilya, isang kahig isang tuka. Madalas ay hirap kami na makakain ng tatlong(3) beses sa maghapon lalo na kung may kalamidad o kaya naman ay matumal ang ani. Walo kami na magkakapatid at ako po ay pang lima. Ako ang unang nakatuntong sa kolehiyo dahil na din sa oportunidad na dala ng programang 4Ps kung kaya ay hindi ko ito pinalagpas, kahit na medyo may kalayuan ang Unibersidad mula sa amin. Ako po ay nagsakripisyo din sa loob ng limang taon.

Ako ay nasa first year college pa lang ng sumakabilang buhay ang aming ama. Hindi naging madali ang buhay estudyante ko bilang isang iskolar, nagdalawang isip din ako kung itutuloy ko pa ba o hindi na, ngunit naisip ko noon na mas mahirap bumalik sa pamumuhay na mayroon ang aming pamilya. Every semestral at christmas break, isa lang ito sa mga panahon na nagkakaroon ako ng pagkakataon upang makauwi sa aming bahay. Dapat sana ay nagbabakasyon nalang ngunit madalas ay nakiki- ani rin kami ng palay, nagkokopra para pagbalik ko ng Unibersidad ay may dagdag pagkain at pang gastos ako bukod sa ayuda ng gobyerno. Naalala ko pa noong summer vacation bago ako tumuntong sa ikalimang taon ko sa kolehiyo ay nagtrabaho ako as construction worker, opo ako ay naging isang laborer din dahil sa tuwing bakasyon ay wala naman po kaming allowance kung kaya ay kailangan namin kumayod para may pangdagdag pangkain ang aming pamilya.

Sa loob ng limang taon ay hindi ko na nabilang kung ilang beses akong lumuha dahil sa hirap. Minsan ay nawawalan na din ako ng pag-asa ngunit nanguna po sa mga naging inspirasyon ko ang aking pamilya. Na sana ay dumating yung araw na hindi na namin kailangang maging uhaw sa ayuda ng gobyerno, na sana pagdating ng araw ay hindi na kami makakarinig ng sumbat mula sa kapwa namin dahil masakit po. Masakit na kahit anong kayod mo ay kulang na kulang parin at ang tingin sa iyo ay tamad dahil sa ikaw ay walang nararating sa buhay.

Naaalala ko yung sinabi ng isang kaibigan ko na tumatak sa akin sabi niya,"WE'RE LIVING IN THE SAME GENERATION BUT NOT WITH THE SAME TIME EXPERIENCE".

Sa awa naman po ng Diyos ay nakapagtapos po ako sa loob ng limang taon dahil na sa mga taong tumulong sa akin. Ngayon ay isa na po akong ganap na Inhinyero at ito po ang gusto kong ipagpasalamat sa inyo.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT, dahil kayo po ang naging daan kung bakit ang isang tulad ko na simpleng bata mula sa pamilya ng mga magsasaka ay nagkaroon ng pagkakataon na matupad ang pangarap na makapagtapos at makatulong sa pamilya.

P.s. Wala po akong sama ng loob, dahil lahat naman tayo ay may kaniya-kaniyang opinyon. Ang sa akin lang po ay gusto ko maparating sa inyo na kahit paano ay may magandang naidulot ang buwis ninyo. Salamat po.

ENGR. MARVIN A. ARNOZA
Proud 4Ps Scholar

Post a Comment



close