Bata nawala sa pamamasyal, laking gulat at tuwa ng ina nang ito ay matagpuan

Bata nawala sa pamamasyal, laking gulat at tuwa ng ina nang ito ay matagpuan

Bata nawala sa pamamasyal, laking gulat at tuwa ng ina nang ito ay matagpuan

Lubha nga namang nakakabahala kapag ang iyong anak ay nawala sa iyong paningin lalo na sa lugar kung saan maraming tao.

Sa isang post sa isang social media ni Judah Abonitalla ay ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa isang Home Supplies Store sa Cagayan De Oro kasama ang kaniyang anak.

Habang sila ay naghihintay ng kanilang sundo matapos na maglibot at mag window shopping ay napansin niya nalang na nawawala ang kaniyang tatlong(3) taong gulang na anak na si Zacc.

Bagamat balisa na siya sa pag-aalala ay nanatiling kalmado at mahinahon si Judah upang hanapin ang anak habang tinatawag niya ng malakas ang pangalan ni Zacc sa bawat sulok ng nasabing lugar.

Nabalot nalang ng takot si Judah ng matagpuan niya ay tanging mga tsinelas lang ng kaniyang anak. Halos magsisigaw si Judah sa paghahanap ngunit napahinto siya ng may marinig siyang boses at nakita niya ang kaniyang anak na pormang natutulog sa isang estante.

Sadyang nakakatawa ang tagpong ito , na ang isang bata ay katuwa tuwang nakahanap ng pwesto kung saan siya ay makakapagpahinga at isa pang nakakatuwa ay nagawa pa nito na alisin ang kaniyang tsinelas na para bang siya ay nasa kaniyang sariling bahay.


Sa pagod ng bata sa paglilibot sa lugar ay nagawa na nitong makahanap ng sariling pahingahan.

HIndi tulad ng ibang bata na sobra ang kulit at likot kapag nasa matataong lugar, si Zacc ay naghahanap lang ng lugar kung saan siya ay magiging komportable.

Sadya ngang nakakatuwa ang tagpong ito ng mag ina ngunit ito rin ay nagbibigay ng mensahe sa ating lahat na wag nating hahayaan na maalis sa ating paningin ang ating mga anak lalo na sa mga ganitong lugar na matao.

Tulad ng inaasahan ay maraming tao ang natuwa at natawa sa post na ito ni Judah lalo na sa larawan kung saan ay natutulog si Zacc sa estante.

NARITO ANG KABUUAN NG POST AT ILANG KOMENTO NG MGA TAO:


Post a Comment



close