Bata na Nag enroll online gamit ang Pisonet, Mabibigyan na ng Cellphone, PC at Libreng Wifi.

Bata na Nag enroll online gamit ang Pisonet, Mabibigyan na ng Cellphone, PC at Libreng Wifi.

Bata na Nag enroll online gamit ang Pisonet, Mabibigyan na ng Cellphone, PC at Libreng Wifi.

Kailan lang ay hindi napigilan ng isang netizen na si Peter Salire De Guzman na ibahagi sa kaniyang social media account ang kaniyang karanasan sa loob ng isang Pisonet Shop na kung saan ay nakita niya umano ang isang batang nag-eenroll online.

Noong una, akala daw niya ay nag lalaro lamang ng computer games ang batang si Jhonel "kokey" Agner Adarayan, subalit noong kaniya na itong lapitan ay nakita niya na nag-eenroll pala ito para sa padating na pasukan.

Dahil sa kaniyang pagkahabag kay Kokey ay tinulungan na daw niya itong tapusin ang ginagawa.

Nakita niya daw kasi sa form na sinasagutan nito ay lumalabas na walang kakayahan ang bata at mga magulang nito sa padating na "Online Education" dahil sa wala silang pera upang makabili ng gadget at makapagbayad ng internet na siyang gagamitin nito sa pag-aaral.

"According sa Pag fill up niya:

    *No Budget for Internet and Data Allowance
    *No Mobile Phone, PC or Tablet
    *Parents are at home with no work due to quarantine
    *Grade 7

Dahil nga dito ay naisipan ni De Guzman na humingi ng tulong sa mga netizen sa pamamagitan ng social media upang matulungan si Kokey at ang iba pang mga bata sa kanilang lugar. Hindi naman inaasahan ni De Guzman na magba-viral ang post niya at uulanin ng tulong si kokey.

"Dear Converge ICT,

    I already paid the installation fee. Almost 3 weeks na. Kailan kayo mag install para makapag broadcast na ako ng FREE WIFI HOTSPOT para sa mga estudyante.

    "Friends baka may extra o luma kayong mga phone,tablet or computer diyan para lang po makatulong sa mga batang ito.

    Thank you so much and have a nice everyone

Sa kalaunan nga daw ay may natatangap na silang cash donations at marami din ang daw nag nagpapadala ng sa kaniya ng mga mensahe at gusto ding magdonate ng cellphone.Desktop Computer, at Printer para kay Kokey at sa iba pang mga bata sa kanilang lugar.

Narito naman ang kabuuan ng post ni De Guzman:

Sadya ngang nagpahirap sa ating lahat ang kinakaharap nating pandemya, ngunit hindi ito ang dahilan upang sumuko tayo sa buhay dahil may mga tao pa din sa paligid natin na bukas ang puso sa pagtulong sa mga taong walang kakayahan sa buhay. Nawa ay marami pang De Guzman sa mundo ang magkalat upang matulungan ang mga kababayan nating salat sa buhay.

Post a Comment



close