10-anyos na batang naulila, mag isang binubuhay ang sarili sa pagtatanim ng gulay

10-anyos na batang naulila, mag isang binubuhay ang sarili sa pagtatanim ng gulay

10-anyos na batang naulila, mag isang binubuhay ang sarili sa pagtatanim ng gulay

May isang batang sampung taong gulang mula sa Vietnam ang kahanga-kahangang namumuhay ng mag-isa sa gitna ng bukid matapos na sumakabilang buhay ang kaniyang mahal na lola at tatay.

Ayon sa China Press kinilala ang batang ito na si Dang Van Khuyen na namumuhay mula sa kaniyang mga pananim na gulay.

Maliit pa lamang si Khuyen ay ulila na ito sa kaniyang ina at ang kaniyang ama naman ay nagtatrabaho sa malayong lugar kung kaya kaya naman ay hindi niya ito kasama sa kanilang bahay.

Ang lola lamang niya ang tangi niyang kasamang namumuhay sa kanilang munting tahanan.

Namuhay ng simple si Khuyen at ang kaniyang lola habang ang kaniyang ama naman ay minsan lang magpadala ng pera bilang suporta sa kaniya.

Ngunit dahil na rin sa katandaan ng kaniyang lola ay sumalangit narin ito at sa kasamaang palad ay naiwan na lang siyang nag iisa.

Lumipas lang ang ilang araw ay nakatanggap si khuyen ng isa pang malungkot na balita. Nad1sgrasya ang kaniyang ama sa pinagtatrabahuhan nito na siyang naging dahilan ng pagkawala nito.

Dahil sa pangyayaring ito ay walang pagpipilian si Khuyen kung hindi ang magpakatatag at piliting mamuhay ng mag isa.

Sa kabila ng bigat na kaniyang pinagdaanan ay hindi naman nagpatinag si Khuyen sa mga hamon na dumating sa kaniyang buhay, bagkus ay mas lalo pa siyang nagpakatatag at naglakas loob na harapin ang mga ito.

Sa gitna ng lahat ng nangyari ay hindi parin naman pinabayaan ni Khuyen ang kaniyang pag aaral at hindi ito umaabsent sa pagpasok sa kaniyang eskwelahan.

Dahil dito ay nalaman ng kaniyang paaralan at ng lokal na pamahalaan ang kalagayan ni Khuyen kaya naman si sinubukan siyang dalhin ng mga ito sa bahay ampunan pero mas pinili pa rin niya na mamuhay nalang ng mag isa.

Namuhay ng mag isa si Khuyen sa pamamagitan ng pagtatanim ng sarili niyang gulay habang pinag aaral ang kaniyang sarili.

Napag-alaman din na naglikom pala ng pera ang kaniyang mga guro upang maiuwi ang katawan ng kaniyang ama na inilib1ng malapit sa kanilang bahay.

Sadya namang kahanga hanag ang ipinakitang determinasyon at katatagan ni Khuyen na magpatuloy sa buhay sa kaniyang murang edad na sampung taong gulang.

Inulan naman ng mga positibong komento mula sa mga tao ang pagiging matatag ni Khuyen.

Post a Comment



close