Walong magkakapatid na naulila sa ama at iniwan ng sariling ina, hinandugan ni Raffy Tulfo ng bahay at lupa

Walong magkakapatid na naulila sa ama at iniwan ng sariling ina, hinandugan ni Raffy Tulfo ng bahay at lupa

Walong magkakapatid na naulila sa ama at iniwan ng sariling ina, hinandugan ni Raffy Tulfo ng bahay at lupa

 Dahil sa nag viral na litrato sa social media ng batang  taong gulang na tila ay akala niya na natutulog lang ang kanyang namayapang ama. Ang mga kaawa-awang mga bata na naghihinagpis sa pagkawala ng kanilang ama ang hinandugan ng tulong ng programa ni Idol Raffy Tulfo. Binigyan ni Idol Raffy Tulfo ang mga batang ito ng Php 50,000 para sa kanilang mga pangagailangan . Napag alaman pa ng programa na hindi lang sila basta naulila kundi iniwan din umano sila ng kanilang ina.

Kung kaya't hindi nagdalawang isip si Idol Raffy Tulfo na tulungan ang mga batang ito na sa murang isip pa lamang nila ay naulila na sila sa ama at inabandona pa ng kanilang sariling ina. Samantala ay may mga tao naman na naawa sa sitwasyon ng magkakapatid kaya sila ay nagbigay ng kanilang suhistiyon na bakit hindi nalang bilihan ng lupa at patayuan ng bahay ang magkakapatid. Mabuti na lang din at nakapanayam ni Idol Raffy Tulfo ang butihing alkalde ng Oroquita City,Misamis Occidental na si Mayor Lemuel Mayrick Acosta sa isang serye ng programa ni Idol Raffy.

Ayon sa napag usapan nila Idol Raffy at Mayor Lemuel, napagkasunduan na si Mayor Lemuel ang mag aasikaso ng lupang pagtatayuan ng bahay para sa magkakapatid at ang gagastusin na para sa pagpapatayo ng bahay ay sagot naman ni Idol Raffy.

Dahil sa masaklap na karanasan ngayon ng 8 magkakapatid ay higit na sila ang nangangailangan ng tulong.

Ang magkakapatid naman ay nasa pangangalaga ng DSWD at Mercilita Babao Itom na siyang nagpost ng nag viral na larawan sa social media na naging daan upang mapansin ang kalagayan ng magkakapatid. Sa pagkakaroon ng sariling bahay ng mga magkakapatid, ang mga nakakatandang kapatid na ang mag aalaga sa kanilang mga batang mga kapatid, basta't ang mahalaga ay mayroon na silang sariling tahanan na kanilang matitirahan .

Nagbigay naman ng mensahe si Idol Raffy sa ina na ng iwan sa magkakapatid, na kung sakaling maipatayo na ang bahay at maging maayos na ang buhay ng magkakapatid ay huwag na huwag na niya itong babalikan. Sa kabila ng nakakalungkot na sitwasyon ng magkakapatid ay mayroon pa rin mabubuting tao na nagiging gabay nila upang sila ay matulungan. Nawa ay mas maging maayos na ang buhay ng magkakapatid na ito sa pagdaan ng mga taon.

Post a Comment



close