Dati ng nagviral ang binatang si Janryll Tan na mula sa Kalubihan Cebu City dahil sa kaniyang kwento na pumukaw ng atensiyon ng mga tao. Muling umani ng papuri ang binata dahil sa bago nitong achievement bunga ng kaniyang pagsasakripisyo.
Nag viral ang nakaka inspire na kwento ni Janryll dahil sa nakapagtapos ito sa kolehiyo na Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering habang nagtatrabaho bilang isang Baranga]y Tanod.
Pagka graduate ng 23 anyos na binata ay agad itong nagreview para magtake ng board exam.
Muli ay pinagsabay niya ang kaniyang pagtatanod habang nagsusunog g kilay, katulad ng ginawa niya noong siya ay nag aaral pa lang kung saan ay pinagsabay din niya ang kaniyang pag aaral sa kaniyang pagtatrabaho.
Bunga ng kaniyang pagtitiyaga at sikap sa pag aaral ay pinalad siya na pumasa sa Civil Engineering Board Exams kung kaya naman ngayon ay isa na siyang ganap na licensed civil engineer.
Marami ag namangha sa kwento niya dahil sa hndi lamang simpleng trabaho ang pinasok ng binata habang nag aaral kundi isang respetadong barangay tanod.
Sa kabila ng hamon ng isang pagiging tanod ay nagawa pa niya na pag sabayin ang kaniyang pag aaral.
Lubos na nakakahanga ang mga taong may pangarap sa buhay na sa kabila ng estado sa buhay ay gumagawa sila ng paraan upang makamit ang tayog ng kanilang pangarap. Nawa ay maging inspirasyon ang kwento ng binata sa mga kabataan.
Saludo ako sayo sa pagsisikap at pagtitiyaga mo makatapos lng sa pag aaral.Sana ay magsilbing huwaran ka sa mga kabataan na nawawalan na ng pag asa sa buhay.Binabati kïta.
ReplyDelete