Security Guard nagbisikleta ng halos 5 kilometro para isauli ang naiwang pitaka ng may ari, niregaluhan ng kotse

Security Guard nagbisikleta ng halos 5 kilometro para isauli ang naiwang pitaka ng may ari, niregaluhan ng kotse

Security Guard nagbisikleta ng halos 5 kilometro para isauli ang naiwang pitaka ng may ari, niregaluhan ng kotse

Ang mabuti at matapat sa kapwa ay tiyak na sinusuklian ng pagpapala at biyaya. Napakasarap sa pakiramdam na makatulong sa kapwa lalo na kung ang pagtulong ay walang hinihintay o hinihinging kapalit.

Katulad na lang ng isang security guard na mula sa Waiehu, Hawaii na si Aina Townsend na nagbisikleta ng halos 5 kilometro para lamang maibalik ang pitakang naiwan ng isang customer.

Nagulat na lang isang araw ang mag- asawang Chloe Marino at Gray ng kumatok sa kanilang pinto si Aina.

Kwento ni Chloe, nagmamadali daw siya sa grocery store kasama ang kaniyang 5-month old na baby ng mawala ang kaniyang pitaka.

" I was shocked at first. I didn't even realize I had lost it. He definitely went out of his way for a complete stranger which was so amazing," saad ni Chloe.

Halos isang oras nagbisikleta si Aina sa matarik na kalsada para lamang maibalik ang pitaka ni Chloe.

Lubos naman ang pasasalamat ng mag asawa kay Aina at hindi rin napigilan ang humanga sa security guard.

Dahil sa lubos na paghanga at pasasalamat ay ipinost ni Gray sa kaniyang facebook account ang kabutihang loob na ginawa ni Aina para sakanilang mag asawa na agad namang nag viral.

"He literally rode his bicycle to return her wallet. Completely full of everything important to her including cash. Nothing was so much as moved," ani ni Gray.

Isa naman ang kaibigan ni Gray na si Greg Gaudet ang humanga kay Aina na gumawa pa ng GoFundMe Campaign upang subukan na makalikom ng $5,000 upang ipambili ng secondhand na kotse para iregalo sa sekyu bago dumating ang Bagong Taon.

"Gray and I would like to raise $5,000 so we can buy Aina a used car before New Year. It's probably a long shot, but he deserves it, and Gray and I will be the first to contribute," saad ni Greg.

Nagulat naman si Greg sa dami ng donors na tumugon sa kanilang campaign. Saad niya ay $5,000 lang ang kaniyang inaasahan na malilikom ngunit ito ay umabot na sa $23,000 makalipas lang ang anim na araw.

"Thank you everyone for your generous donations!!! We have been BLOWN away by everyone's love and generosity. We were just hoping to raise at least $3,000. I just cannot believe we're approaching $23,000,"

Sa ngayon ay umabot na ang donations sa $25,416.

Lubos ang pasasalamat ni Aina sa mga nagdonate sa GoFundMe. Malaking bagay daw iyon na mapalitan ng kotse ang kaniyang bisikleta na araw araw niyang gingamit sa loob ng limang taon.

"It means a lot. It's not only about having a better transportation, I can do more stuff for my family now. That's the bigger part of the picture," saad ni Aina.

Sa interview ni Aina sa CNN ay sinabi nito na naranasan na rin niyang mawalan ng pitaka noon kung kaya't alam niya ang pakiramdam ng mawalan.

"You know, I lost a wallet before too and it's the worst thing in the world. I was just doing what I feel was the right thing to do," pahayag ni Aina.

Post a Comment



close