Sakay ng Delivery truck, pinakyaw ang Ice Cream na tinda ng lolo sa gitna ng ulan

Sakay ng Delivery truck, pinakyaw ang Ice Cream na tinda ng lolo sa gitna ng ulan

Sakay ng Delivery truck, pinakyaw ang Ice Cream na tinda ng lolo sa gitna ng ulan

Pinag uusapan ngayon sa isang social media post ang kabutihang ipinakita ng sakay ng isang delivery truck matapos nilang pakyawin ang panindang ice cream ng isang matandang lalaki na nagbebenta pa rin sa gitna ng ulan.

Ayon sa naturang post ni Patrick Mariano, siya raw ay nagliligpit ng kaniyang mga gamit sa kaniyang kwarto ng makita niya na biglang pumarada ang isang delivery truck sa harap ng kanilang bahay.

"Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na nagtitinda ng ice cream habang umuulan. Inubos pala nila ang tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil kapote lang at sombrelo ang suot na proteksiyon ni tatay sa ulan,"

Humanga si Mariano sa mga tumulong sa matanda at ibinahagi pa na "faith in humanity restored".

"Shalom Organic Fertilizer, salute to you for reminding us that a small act of kindness can bring enormous impact on someone else.

Seeing you do that gesture from a far without you knowing, it inspire us to do better for other people.

God sees your heart and may God Bless your business More!

Ang nasabing post ay umani ng ibat ibang komento mula sa mga taong nakabasa nito.

"God Bless sa mga taong naawa kay tatay na  mabait at bumili kay tatay , sana bigyan pa kayo ng maraming blessings sa life nyo at good health thanks mga sir Congrats,"

Komento naman ng isa , "Nawa ay pagpalain silang lahat ng Panginoon. Sana ay nakauwi rin ng maayos si tatay sa kabila ng pagkakaroon ng sama ng panahon".

Post a Comment



close