Proud anak ng kasambahay at Brgy. Tanod, nagtapos bilang Cum Laude sa Kolehiyo

Proud anak ng kasambahay at Brgy. Tanod, nagtapos bilang Cum Laude sa Kolehiyo

Proud anak ng kasambahay at Brgy. Tanod, nagtapos bilang Cum Laude sa Kolehiyo

Walang kahit na anong klase ng kahirapan ang kailanman ay kayang sumupil sa matayog na pangarap at mithiin ng isang estudyante na puno ng pagpupursige, diskarte at dediksayon.

Tunay nga na inspirasyon ang storya ng isang mag aaral na kailanman ay hindi nawalan ng pag asa. Kahit pa na lumaki siya sa hirap at kasalatan sa maraming bagay, ito ay hindi naging dahilan para kay Jhonrick Orense upang malimitahan ang tayog ng pinapangarap niyang tagumpay.

Kapwa hindi nakapagtapos ng pag aaral ang kaniyang mga magulang at tatlo pa niyang mga kapatid. Namamasukan bilang kasambahay ang kaniyang ina at Baranggay tanod naman ang kaniyang ama.

Aminado naman ang mga magulang ni Jhonrick na pagka-graduate palang nito niya ng hig school ay sinabihan na agad siya ng mga ito na humminto na muna sa pag-aaral at maghanap nalang ng trabahong mapapasukan dahil sa hirap ng buhay.

Ngunit siya ay hindi nagpapigil sa desisyon ng kanyang mga magulang, siya mismo sa sarili niya ang gumawa ng paraan at humanap ng oportunidad upang magpatuloy ng pag aaral sa kolehiyo.

Sinekreto niya sa kaniyang mga magulang ang pagkuha niya ng mga exams sa ibat-ibang Unibersidad at Colleges. Hindi rin niya pinalagpas ang lahat ng scholarship program na ini-ooffer ng mga local government unit at maging ng mga paaralan.

Sinabi na lamang niya sa kaniyang pamilya ng siya ay makapag enroll na , lalo siyang nabuhayan ng loob ng suportahan siya ng kaniyang mga magulang na gagawin ang lahat hanggang makapagtapos siya.

Para matustusan ang kaniyang pangangailangan sa pag aaral , pinasok niya ang pagraraket gamit ang talento niya sa Art. Tinatabi niya ang kitang pera para hindi na problemahin ng kaniyang mga magulang ang pang allowance niya.

"Gumagawa po ako ng logo para sa mga student organization, paintings like murals, tapos minsan kinukuha akong judge at speaker din ng mga workshops related sa Art."

Naging malaking inspirasyon niya ang kaniyang mga magulang at ang estado ng kinamulatan nilang pamumuhay na sobrang kahirapan.

"I finished my studies in college kasi ayoko na maulit yung mga moment na walang laman yung palabigasan namin. Asin yung ulam at baon ni tatay sa trabaho niya, si inay ay kamatis at kape lang."

Aminado din ang mga magulang niya na lubos silang nasasaktan kapag may mga kailangan na bilhin ang anak para sa pag aaral pero hindi niya mabili dahil  pesos lang ang allowance ni Jhonrick. Pero dahil sa mga diskarte niya ay napagkakasya niya ang pinaghirapan ng kaniyang mga magulang.

"Kapag nakikita ko yung mga medals at certificate niya, masaya po ako. Matiyaga at napakasipag po niyan sa pag aaral. Pumapatak po ang luha ko sa tuwing nakikita ko na sinasabitan siya." kwento ng ama ni Jhonrick.

Si Jhonrick ay nakapagtapos at gumraduate sa International Peace Leadership College Tanay,Rizal sa kursong Bachelor of Arts degree in Journalism at nakatanggap ng mataas na parangal bilang Cum Laude.

Nagbahagi din siya ng payo sa tulad niyang kapos sa buhay na may gustong patunayan at may maabot na mga pangarap.

"Kung nakakapag isip ka ng tama, better look for a ways at ibang mga paraan bukod sa iaasa lang naten lahat sa mga magulang natin. Ikaw mismo ang gumawa ng paraan para matupad at mangyari ang gusto mo ." salaysay niya.

"This is not to boast my achievements.Rather,this is to inspire and motivate everyone who think they can't. Just like you, I am just an ordinary person but I chose to do things extraordinarily." 

Post a Comment



close