Pera sa ukay-ukay : Nanay nakakita ng 1 million Argentine sa biniling damit sa ukay ukay

Pera sa ukay-ukay : Nanay nakakita ng 1 million Argentine sa biniling damit sa ukay ukay

Pera sa ukay-ukay : Nanay nakakita ng 1 million Argentine sa biniling damit sa ukay ukay

Tayong mg Pilipino ay kilalang mahilig sa ukay-ukay o segunda manong mga damit. Tinuturing natin ito na galing sa mga kilalang fashion retailer shops at talaga namang takbuhan ng mga taong nagtitipid ng budget. Ngunit minsan hindi lamang damit ang maaaring makita sa ukay, minsan ay kung sinusuwerte may kasamang pera ang damit na iyong binili.

Kilalanin si Sandie Peteros na bumili sa ukayan ng jacket para gamitin sa pag akyat ng bundok. Minsan na siyang nakakuha ng 100 Hongkong dollars sa bulsa ng jacket na kaniyang nabili. Kung ipapapalit ito ay magkakahalaga ito ng 650 pesos. Bawing bawi na siya sa pinambili niya ng jacket na 500 at may kita pa.

Sa warehouse ni Lorevie  ng kaniyang panindang ukay-ukay sa Lapu-Lapu City lagi siyang nakakahanap ng pera sa kada bundle ng mga damit. Minsan ay nakahugot pa siya ng 200 yuan o kulang dalawang libong piso. Nakakuha rin siya ng mas malaki pang halaga na umabot ng 700 yuan o limang libong piso.

Si Badang na mula sa Quezon City ay nakakita ng anim na piraso ng 1,000,000 argentine dollars. Galing umano ang damit sa kilalang fashion retailer shop na bumagsak sa ukayan ng tingnan ng kaniyang anak ang halaga ng pera ay umabot ito ng 5 million pesos.

Agad namang nagplano si Badang kung saan niya gagamitin ang pera. Ito raw ay gagamitin niya sa pagpapagawa ng bahay, bayad utang, matrikula ng kaniyang mga anak at magpapamahagi sa kaniyang mga kamag-anak na nangangailangan ng tulong.

Subalit ayon sa isang eksperto nasa 8,600 pesos na lang ang halaga nito ngayon base sa P617 na halaga nito noong 1983. Ngunit kinumpirma ng embahada ng Argentina na wala ng halaga o demonitized na perang ito.

Ang tanging pag asa na lamang ni Badang ay maibenta ito sa money collectors upang kahit papano ay magkapera siya .

4 Responses to "Pera sa ukay-ukay : Nanay nakakita ng 1 million Argentine sa biniling damit sa ukay ukay"

  1. Argentine peso is just a half of the value of our very own philippine peso. So the value of that money is only half of a minllion Php. Malaki na rin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Demonetized na daw yung money, so wala ng value. Same yan pag ng mga lumang pera natin, wala na value pag na demonetized na ng BSP. Sa collectors nlng may value, but not as a legal tender

      Delete



close