Mananahi nakapagpatapos ng Doktor, top 1 pa sa board exam

Mananahi nakapagpatapos ng Doktor, top 1 pa sa board exam

Mananahi nakapagpatapos ng Doktor, top 1 pa sa board exam

Bilang isang magulang ay walang katumbas na halaga na makita na ang kaniyang anak ay nakamit ang tagumpay na pinakamimithi nito. Lalo na at kung puno ng pagod at hirap ang napagtagumpayan nito.

Ito ay kwento ng isang lalaki na pinalad na malagpasan ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan niya para sa kaniyang pangarap, sa tulong din ng kaniyang butihing mga magulang.

Si Jonel Lapides, ay isang proud na anak ng housewife at tatay na mananahi na dati ay isang construction worker din ,si Jonel ay isa nang ganap na doktor.

Marami ang bumilib sa naturang binata dahil pinatunayan nito ang angking galing. Sa pangalawang pagkakataon ay muling nasungkit ni Lapides ang top spot sa board exam ng Physician Licensure Exam. Ito ay matapos niyang manguna din sa Nursing Licensure Exam noong taong 2011.

Kwento ng bagong doktor , bukod sa puspusan niyang pag aaral ay taimtim rin siyang nag dadasal na makapasok man lang kahit sa top 10. Ngunit mas higit pa dito ang pinagkaloob sa kaniyang biyaya.

Halos hindi makapaniwala sa nakuhang gantimpala kapalit ng kaniyang sakripisyo at pag susumikap , malakas ang paniniwala ni Lapides na nakamit niya ang mga ito dahil sa tibay ng kaniyang loob, pagtitiyaga at paniniwala rin sa Diyos.

"Sobrang unexpected at surprised at talagang thankful lang kay Lord. I prayed at least mapasok man lang ako sa top 10. Si Lord po lagpas-lagpas pa ang binigay niya,"saad niya.

Dagdag pa niya,"Si Lord lang po talaga ang naging sandalan ko . Tapos, thankful ako kasi may mga taona tumutulong...So I think blessed lang po talaga ako sa mga taong naniniwala sayo.Talagang persevere eh, kasi kung hindi talaga materially,financially blessed,kailangan mo talaga ay tiyaga."

Ibinahagi niya rin ang ilan sa mga hinarap niyang pagsubok kapalit ng mga minimithi niya.

"Dati nanghihiram pa ko ng funds. Tapos nag try ako na mag apply sa ibang work para habang naghihintay ng nursing board, nagwork ako bilang tutor, kahit paano kumikita na," aniya niya.

Nagbigay naman ng payo ang binata,"Talk to the Lord at tiwala lang sa kaniya. Have faith in him. Siya yung ground and source ng strength. And also solicit the help of your family, friends and get your inspiration from them. Really know yourself and set your goals."

Nabanggit rin ng binatang nakapagtapos bilang Cum Laude sa UP College of Medicine na balak niya na ipagpatuloy ang Ophthalmology.

Post a Comment



close