Sa hirap ng buhay na ating nararanasan nagyon, maraming tao sa ngayon ang umaasa sa pangangalakal at pagbebenta ng mga bagay mula sa basura. Sila ay ang mga taong ipinanganak na hindi marangya ang buhay, kung kaya ay wala silang pagpipilian na trabaho upang kumita ng pera upang suportahan ang kanilang pang araw araw na pangangailangan.
Tulad ng lolong ito na sa kabila ng kaniyang edad ay patuloy parin siyang nangongolekta ng kalakal mula sa basura upang kumita ng kaunting pera pambili ng gatas ng kaniyang minamahal na apo. Ang kundisyon niyang ito ay umantig sa puso ng maraming tao.
Ang lolong ito ay si Lolo Patricio Palileyo, 78 taong gulang at umaasa lamang sa pangongolekta ng kalakal. Ito ang trabaho ni Lolo Patricio na kahit sa kabila ng kaniyang edad ay nagsusumikap pa rin ito upang may maipambili lamang ng pangangailangan ng kaniyang pamilya, lalo na para sa kaniyang mahal na apo. Si Harvey Villanueva ang mabait na taong nagbigay ng tulong kay Lolo Patricio na siya ring nagbahagi ng larawan ng matanda sa social media.
Ayon kay Harvey ay nakita niya si Lolo Patricio na gumagala sa kalye para mangalap ng kalakal sa basura. Ibinahagi niya na naawa siya sa kalagayan ng matanda kaya naisipan niyang bigyan ito ng tulong. Agad siyang lumapit sa matanda at tinanong kung ano ang kailangan nito. Doon ay napag alaman niya na ang kinikita nitong pera mula sa pangongolekta ng kalakal ay pinambibili niya ng gatas ng kaniyang apo. Kaya naman hindi nag dalawang isip si Havey at agad na ibinigay ang pera na kailangan nito upang maibili ng gatas para sa kaniyang apo.
Inihayag din ni Harvey ang paghanga niya kay Lolo Patricio dahil sa kabila ng katandaan nito ay nagsusumikap parin siya sa halip na magpahinga sa kanilang bahay kasama ang kaniyang pamilya.
Ibinahagi rin ni Harvey sa kaniyang post
"Stay strong tatay napaka swerte ng mga anak at apo mo di alintana ang p@ndem1c sayong edad para sa mga mahal mo sa buhay sa kabila ng edad mo, saludo ako sayo mahal kita sobrang mahal ikaw ang dakilang frontliner ko."
Post a Comment