Sa panahon ng pandemya marami sa ating kababayan ang nawalan ng trabaho. Ang ilan naman sa atin ay umaasa na lang sa ibibigay na ayuda ng gobyerno o tulong mula sa ibang kababayan natin na nakakaangat sa buhay.
Ngunit para sa isang kababayan natin mula sa Cabcab,Isabela, Negros Occidental, tila ay nakalimutan na siya. Sa isang post sa facebook ni Angel Mae Tare, humihingi siya ng tulong sa mga taong may mabubuting loob na matulungan si Atan. Si Atan ay may problema sa paningin at kuba na nakatira lang sa kulungan ng mga hayop.
Sa mga larawan mapapansin na walang higaan o kahit kumot at unan man lang na pwede niyang magamit sa pagtulog kung kaya't sa sahig lamang siya nakahiga. Dahil sa kanyang kalagayan ay hindi rin naten sigurado kung paano siya nakakakain sa pang araw-araw.
Dahil sa nasabing post, marami sa ating kababayan ang nahabag at humingi ng tulong para kay Atan. Marami rin ang nagtatanong kung nasaan nga ba ang mga kamag-anak ni Atan at kung bakit siya pinabayaan na lang sa ganung sitwasyon.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 43,000 shares ang nasabing post. Marami rin ang nagbigay ng kanilang mga komento sa nasabing post.
Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin natin ang update mula sa nagpost kung ano na ang kalagayan ni Atan.
Post a Comment