Lalaking madiskarte hinangaan ng publiko,may sariling ipon na pang suporta sa pamilya sa panahon ng krisis

Lalaking madiskarte hinangaan ng publiko,may sariling ipon na pang suporta sa pamilya sa panahon ng krisis

Lalaking madiskarte hinangaan ng publiko,may sariling ipon na pang suporta sa pamilya sa panahon ng krisis

Kailan ba natin masasabi na matagumpay ang isang tao? Kapag nakatapos ba ito ng mataas na kurso? May magandang trabaho at marangya ang buhay? Masasabi ba natin na matagumpay ang isang tao kung ito ay may masayang pamilya at payak na pamumuhay ?

Marahil ay iba iba tayo ng pakahulugan sa salitang tagumpay. Ngunit nakasalalay sa ating mga sarili kung paano natin maisasakatuparan ang ating mga pangarap.

Kailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang tugkol sa isang lalaki na nagpost patungkol sa isa sa pinakamainit na usapin ng bansa sa ngayon.

Hindi lingid sa ating kaalaman ang tungkol sa ayudang ipinamimigay ng ating gobyerno sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino. Bagamat milyon-milyon ang apektado ng pand3mya sa ating bansa ay nananatili pa rin na limitado ang mga taong napagkakalooban ng pinansiyak na tulong ng ating pamahalaan.

Maraming mahihirap na Pilipino ang naghahain ng kanilang mga hinaing sa social media dahil sa kinakaharap na kris!s ng ating bansa. Ngunit hindi lahat ay puro hinaing lang ang ginagawa may iba naman na sa halip na umasa sa ibibigay na tulong ng gobyerno ay nagsusumikap sila na magkaroon ng maayos na buhay.

Isa na nga rito si Reynaldo Pepito na nagviral kailan lang dahil sa kaniyang post sa social media. Ang kaniyang nasabing post ay tungkol sa naging diskarte niya sa buhay kung kaya naman ay hindi sila hirap sa buhay at hindi nila kinailangang umasa sa kanino man upang magkalaman ang sikmura ng kanilang mag anak.

Makikita sa kaniyang post ang larawan ng napakaraming pinya,durian at pakwan na siyang isa sa kaniyang mga pinagkakakitaan. Mayroon din siyang junkshop na namimili ng mga kalakal tulad ng mga lata,bote karton at marami pang iba.

Makikita rin sa kaniyang post ang ilang larawan ng perang papel at mga barya na siyang naging kita niya sa kaniyang paghahanap buhay.

Marami naman ang humanga sa kaniyang pambihirang diskarte ngunit may ilan din na nayabangan sa kaniyang post.

Post a Comment



close