Maaaring mahirap ang buhay na pinagdadaanan mo ngayo , ngunit masuwerte ka pa rin kung nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw at may desenteng pagkain. Ito ay dapat na hindi kinakalimutang ipagpasalamat.
Kailan lamang ay nag trending ang isang post ni Earl Archievan Calixto sa kaniyang facebook tungkol sa isang lalaking umorder ng isang cup ng kanin at tubig sa isang fastfood chain sa Pampanga.
Ang nasabing lalaki ay napag alaman na mula sa Tacloban at bumiyahe papuntang Pampanga upang maghanap ng trabaho dahil sa matinding hirap na kanilang pinagdadaanan sa kanilang lugar.
Ayon kay Earl ay makikitang gutom na gutom at pagod ang lalaki ng pumasok ito sa McDonald's sa San Fernando Pampanga. Nakita ni Earl na 1 cup of rice at tubig lang ang inorder nito, kanin lang ang kaniyang kinakain.
Ayon sa post ni Earl " nilapitan ko si tatay tinanong ko kung gusto pa niya ng makakain, OO daw kase nagugutom siya pero kulang ang pera niya. So inorder ko siya ng makakain".
Inorderan ni Earl si tatay ng pagkain ngunit laking gulat niya ng pagbalik niya para ibigay ang pagkain ay may chicken fillet na ito sa lamesa. Aniya ay bigay daw ito ng crew .
"Thank you sa buong staff at crew ng McDonald's San Fernando malapit sa SM, di kayo nagdalawang isip na tulungan si Tatay," sabi ni Earl sa kaniyang post.
Sa ganitong pagkakataon, ang simpleng tulong ay nagsisilbing malaking tulong para sa iba. Nawa ay maging normal na gawain ang pagtulong sa kapwa lalong lalo na sa panahon ngayon na may matinding kinakaharap ang karamihan dahil sa pandemiyang kinakaharap.
Post a Comment