Isang PWD nakita sa daan na naglalako ng ice candy, binigyang tulong ng isang netizen

Isang PWD nakita sa daan na naglalako ng ice candy, binigyang tulong ng isang netizen

Isang PWD nakita sa daan na naglalako ng ice candy, binigyang tulong ng isang netizen

Sa isang post na video sa Facebook Page ng "Sabrinacio Footwear-main" noong October 15,2020, na may caption na "WHEN WE BELIEVE, GOD WORKS. Siya ay si Rosal 38 years old na taga Bauang La Union. Siya ay nakasalubong namin sa init ng araw na naglalako ng panindang kakanin sa daan para lang mabuhay. Kita sa mukha niya ang pagod at hirap ng buhay,pero di siya nawawalan ng pag-asa at alam niyang mahal siya ng poong may likha at di siya pababayaan nito."

Makikita sa video na may isang babaeng nagtitinda sa gilid ng kalsada. Nagtanong ang kumuha ng video kung saan patungo ang daang tinatahak nito. Maya maya ay kinausap na niya ang babae at napag alaman na Rosal pala ang pangalan nito, siya raw ay 38 taong gulang . Ayon kay Rosal ay napaubos na rin niya ang kaniyang mga paninda.

Ilang sandali pa ay makikita sa video na tinanong siya kung naniniwala ba siya sa panginoon. Pinagdaop naman ni Rosal ang kaniyang mga palad at tumango. Matapos ay binigyan siya ng pera nito tsaka nag pasalamat at nagmano.

Umani ang nasabing video ng samut-saring reaksiyon at komento mula sa mga taong nakapanood. Narito ang isa sa mga komento:

Ayon din sa isang komento ay malapit daw ang tahanan ni Rosal saknila, at ito raw ay taga Baranggay Bautista Caba. Ito raw ay minsan ding nanghihingi ng barya at naglalako ng balot.

Mayroon ding humanga sa kumuha ng video ni Rosal na nagbigay ng tulong dito.

"Godbless sir , ang bait talaga ni Lord,ginawa ka niyang instrumento para makatulong sa tao. Keepsafe po." ayon sa isang komento.

Humakot naman ng mahigit 434,000 reacts,4,600 comments at 17,000 shares ang naturang post na ito.

Post a Comment



close