Emosyonal na liham ng isang Guro sa kaniyang "Favorite Student" binaha ng luha at pakiki-simpatya ng ating mga netizens!

Emosyonal na liham ng isang Guro sa kaniyang "Favorite Student" binaha ng luha at pakiki-simpatya ng ating mga netizens!

Emosyonal na liham ng isang Guro sa kaniyang "Favorite Student" binaha ng luha at pakiki-simpatya ng ating mga netizens!

Alam natin ang hirap at pagpupursigi na kailangan nating gawin para tayo ay makapagtapos ng ating pag aaral upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.

Bukod sa ating mga magulang ay nandiyan ang ating mga guro na siyang nagsisilbing pangalawang magulang na naging gabay natin upang makamit ang rurok ng ating mga pangarap.

Sila ang saksi sa ating pagsusumikap sa pag aaral, kaya naman isa sila sa mga sobrang proud at nagpupunyagi sa tuwing tayo ay makakatapos o makakapasa ng pasadong mga marka.

Subalit isa rin sila sa mga lubos na nalulungkot at nasasaktan sa tuwing may namamaalam na estudyanteng labis na naging malapit sa kanila at naging isa sa mga nagsilbing inspirasyon upang sila ay maging mas mabuting guro.

Isa na rito ang gurong si Josephine Lanceta Ulitin, marami ang naantig at nakisimpatya nang emosyonal niyang ibahagi sa kaniyang Facebook account ang liham niya para sa kaniyang estudyante na si Loyd Jerome Conde. Si Loyd ay mayroon daw medical condition at sa mismong araw ng kaniyang "Moving Up Ceremony" ay bumungad ang nakakalugkot na balitang pag p4n4w nito.

Narito ang Liham ng guro para sa kaniyang mahal na estudyante:

"Ito na ata ang GREATEST HEARTBREAK ko in my 5 years as a teacher.

Gusto ko fair sa lahat kaya naman wala akong favorite student, maliban sa iyo anak Loyd Jerome  Conde. Sa iyo lang ako nagkaroon ng favorite at alam iyan ng lahat ng mga kaklase mo. Sobrang  Special ka sa amin, tanggap nila na iba ako pagdating sa iyo.

Sa loob ng isang taon sa face to face class last year, wala ni isa ang nakap4mbu11y o nakas4kit sa iyo kasi alam nilang lahat na magwaw4la  talaga ako sa room kapag ikaw ang kinant! nila, pero kahit hindi ako magalit nakita ko anak na minahal at tinanggap ka ng lahat ng mga kaklase mo.

May medical condition ka pero gustong gusto mo na makapagtapos. Tandang tanda ko noon , ililipat ka sana ng ADM para sa bahay ka na lang mag aaral pero ayaw mo kasi sabi mo masaya ka sa room. Tapos ililipat ka sana ng section kasi sa 4th floor yung room natin , naaawa ako sa pag akyat baba mo pero sabi mo "Ayaw mo kasi gusto mo ako ang teacher mo ".

Gusto mo na lagi pumapasok kahit na may sak1t ka. Mah!na yung katawan mo kaya sabi ko hindi ka na kasali sa cleaners, pero pag uwian nakikita kita na nauuna pang maglinis.

Kanina habang nanunuod ako ng virtual moving up ang dami sa kaklase mo na honor ngayon pero iba yung saya ko nung nakita ko ang pangalan mo. Ikaw nga lang binati ko ng special sa GC natin kasi anak tandang tanda ko yung sinabi mo sakin na gusto mong makagraduate. Kaya ang sakit anak na sa mismong araw ng graduation mo ay iniwan mo na kami.

Rest in God's Paradise anak, doon wala ng pain. Sana sa huling taon mo ng face to face class last year ay naiparamdam namin sa iyo na mahal at tanggap ka namin kahit ano ka pa. Sobrang proud ako sa iyo anak, mahal na mahal ka namin ng buong Bonifacio Family mo."

Damang dama ang emosyon ng mga katagang binitawan ng gurong si Josephine kaya naman ay marami ang nagparating ng kanilang pakikiramay dito at sa mga magulang ng namayap4ng mag-aaral.

Hindi man nabiyayaan ng mahabang buhay si Loyd, naging inspirasyon naman siya sa karamihan na magpatuloy lang sa kanilang pangarap sa abot ng kanilang makakaya.

Ano mang balakid sa buhay ang humadlang sa atin , nandiyan ang Diyos na laging nakaagapay sa atin na matupad at maabot ang tagumpay ng ating mga pangarap.

Post a Comment



close