Tuwing inaabot natin ang ating mga pangarap ,marami ang may duda at hindi nakasuporta sa mga hakbang na ginagawa natin. Marami silang nasasabi na negatibong salita na talaga naman na nakakasira sa ating buhay. Gayunpaman para sa mga taong pursigidong makamit ang kanilang mga mithiin sa buhay ay hindi nila pinapansin ang ganitong mga negatibong tao.
Isa rito ay si Michael Espanol na sa murang edad pa lang ay namulat na siya sa hirap ng buhay. Siya sy nakatira sa Gueguesangen Mangaldan Pangasinan. Ang ama ni Michael ay isang messenger na kumikita lamang ng Php10,000 kada buwan at ang kaniya namang ina ay isang mananahi ngunit walang regular na sahod.
Bilang panganay na anak, minabuti ni Michael na pumasok bilang isang construction worker kung saan ay kumikita lamang siya ng Php250 kada araw na wala siyang pasok sa paaralan.
Ang kinikita niya sa pag coconstruction worker ay itinatabi niya at ginagamit sa pambili niya ng uniporme at ibang school supplies at para rin makatulong sa iba pa nilang gastusin.
Pahayag pa ni Michael ay "Mayroon po na mga taong hindi naniniwala sa atin. Payo ko po sainyo ay wag na po natin silang intindihin at mag focus nalang tayo sa goals natin."
Dahil sa kaniyang pagsisikap, nagbunga ang lahat ng pinaghirapan ni Michael, nakakakuha siya ng matatas na grado at kabilang din siya sa sumasali sa mga extra-curricular activities ng kanilang paaralan. Nakapagtapos siya bilang Valedictorian ng kanilang klase kung kaya't hindi lamang mga magulang niya ang saludo sakaniya maging ang mga guro rin niya. Isa nga siya sa mga inspirasyon sa lahat na kahit marami ang hindi naniniwala sa iyo ay hindi ito hadlang upang hindi maabot ang iyong mga pangarap , kailangan lamang ng sipag at tiyaga.
Post a Comment