Batang breadwinner, "Double Job" para maipagamot at buhayin ang magulang at pamilya

Batang breadwinner, "Double Job" para maipagamot at buhayin ang magulang at pamilya

Batang breadwinner, "Double Job" para maipagamot at buhayin ang magulang at pamilya

Ang pagiging bata ang pinaka masayang yugto ng buhay ng isang tao dahil wala pa itong kahit anong kaakibat na problema at responsibilidad, ang tanging kailangan lamang nilang gawin ay ang mag aral at maglaro.

Bata rin ang may may maraming karapatan na kailangang ibigay ng kanilang mga magulang. Karapatan nilang makapag aral, karapatan nilang magkaroon ng masayang kapaligiran, karapatang magkaroon ng maayos na tirahan, karapatan na magkaroon ng sapat na pagkain at higit sa lahat ay ang karapatan na maging masaya at makapag laro kung kailan man nila naisin.

Ngunit masakit isipin na hindi lahat ng bata ay nakakaranas ng mga ganitong bagay. Dahil hindi lahat ng bata ay pinanganak na may kumpletong pamilya o may maayos na pamumuhay.

Katulad na nga lang ng batang si Manny na taga North Caloocan, na sa murang edad pa lamang ay kinailangan na niyang maghanap buhay para buhayin ang kaniyang pamilya at maipagamot ang kaniyang mga magulang na parehong may s4kit.

Siya na lang kasi ang inaasahan ng kaniyang pamilya upang patuloy silang mabuhay. Sinasabi kasi na ang kaniyang ama ay bald4do at ang kaniya namang ina ay may sak!t na tubercol0s!s.

Kinailangan ni Manny na kalimutan ang kaniyang pagkabata at isa na rito ang kaniyang pag aaral upang maging isang breadwinner at magdoble kayod para lamang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa buong maghapon ay kailangan niyang maghanap ng dobleng pagkakakitaan o "double job". Sa umaga ay nagtitinda siya ng walis,sponge at iba pang gamit na pang bahay at matiyaga niyang binabaybay ang mga baranggay sa kanilang lugar upang maglako.

Pagdating ng hapon hanggang gabi ay nag iikot na naman ito para naman magtinda ng balut. Ito lang daw kasi ang nakikita niyang paraan upang buhayin ang kaniyang pamilya, at ito rin ang paraan niya para mapasaya ang kaniyang mga magulang.

"Masaya na ako na makitang masaya ang mga magulang ko," ani ni Manny.

Post a Comment



close