Anak ng mangingisda, nagtyaga at nakapagtapos bilang Magna Cum Laude

Anak ng mangingisda, nagtyaga at nakapagtapos bilang Magna Cum Laude

Anak ng mangingisda, nagtyaga at nakapagtapos bilang Magna Cum Laude

Dahil sa hirap ng buhay marami sa ating mga kababayan ang hindi makapag aral at mas pinili na magtrabaho na lamang para makatulong sa pamilya.

Hindi biro ang pag aaral lalo na kung ang kinikitang pera sa araw-araw ay sapat lang sa pangangailangan ng buong pamilya.

Ngunit wala namang imposible para sa isang taong mayroong pangarap sa buhay at nagtitiyaga. Katulad na lang ni Regine Villamor, 20 anyos na dalaga mula Cebu. Hindi naging hadlang para sakanya ang kahirapan upang siya ay makapag tapos ng pag aaral.

Si Regine ay nagmula sa simpleng pamilya na pangingisda lamang ang ikinabubuhay ng kaniyang ama.

Naging motibasyon ni Regine ang suporta at pagmamahal ng pamilya niya upang maabot ang kanyang mga pangarap. Kahit na ano mang pagsubok ang dumaan ay nakayanan nila ito.

Ang lubos na nakakahanga kay Regine ay hindi lang ito basta nakatapos sa kolehiyo, bagkus ay nkapagtapos siya bilang isang Magna Cum Laude sa paaralang University of San Jose Recoletos, Cebu City.

Kwento ni Regine, nakadepende ang hanapbuhay ng kaniyang ama sa panahon. Dahil kapag may bagyo ay hindi ito nakakapangisda sa laot. Kung suswertehin naman daw ay umaabot sa 700 pesos ang kinikita nito.

Ang nahuhuling isda ng ama ay inilalako naman mismo ng kaniyang ina sa kalsada kung saan malapit ang kanilang bahay. Minsan ay natulong din si Regine sa pagtitinda ng mga nahuling isda pag uwi galing sa eskwelahan.

"It was at an early age that I realized how life was. While selling fish, I always kept telling myself that I had to finish college to help my family and my siblings," said Regine.

May panahon din raw na napag aawayan ng kaniyang mga magulang ang gastusin niya sa kaniyang pag aaral.

"My father told me one time that he wanted to sleep more but he said he had to work hard in order for me to continue my studies," saad ni Regine.

Gising kasi sa madaling araw ang ama ni Regine para manghuli ng isda.

"Looking back, my father would shed tears while looking at us when we were sleeping,"

Dahil sa matataas na gradong nakukuha ni Regine ay nakakakuha ito ng 50% discount para sa kaniyang tuition fee.

Ngunit hindi naging madali para kay Regine ay kaniyang mga pinagdaanan para makapag aral. Dahil malayo sa kanilang tahanan ang eskwelahan na pinapasukan ay kinailangan niyang humiwalay sa kaniyang pamilya at tumira sa boarding house malapit sa kaniyang pinapasukang paaralan.

Kwento pa nga ni Regine ay dinikit niya ang litrato ng kanilang buong pamilya sa pader ng kaniyang kwarto sa inuupahang boarding house ,upang sa tuwing siya ay nalulungkot o napanghihinaan ng loob ay ito ang kaniyang tinitingnan upang magbigay ng lakas ng loob sa kaniya.

Makalipas ang apat na taon nakapag tapos si Regine sa kursong Bachelors Degree of Arts in Liberal Arts and Commerce major in Communication and Marketing (LIAMCOM).

Napalaki ng pasasalamat ni Regine sa kaniyang magulang.

"As I look back at my struggles, I realize that it made me stronger and I want to thank my parents. Whatever achievements I have, its because of them."

Agad naman na nakakuha ng trabaho si Regine sa isang food manufacturer sa Cebu dahil na din sa ganda ng kaniyang background sa pag aaral.

"I am not ashamed to sell fish. My friends know about it but still they accept me for who I am. If I did not go through those challenges, wearing toga will not be worth it. We should not give up. Poverty is not a hindrance in achieving our dreams," said Regine.

"I should never forget where I came from, no matter how many achievements you have, humble yourself and keep your feet on the ground. I will always be a proud daughter of a fisherman and a fish vendor," saad pa ni Regine.

Post a Comment



close