OFW ng 21 na taon palaboy na ngayon, Iniwan ng kanyang pamilya dahil wala ng maibigay na pera

OFW ng 21 na taon palaboy na ngayon, Iniwan ng kanyang pamilya dahil wala ng maibigay na pera

OFW ng 21 na taon palaboy na ngayon, Iniwan ng kanyang pamilya dahil wala ng maibigay na pera

Viral at usap -usapan ngayon sa social media ang isang Overseas Filipino Workers(OFW), kung saan nakapagtapos ito ng Architect at naging isang Quality Control sa loob ng 21 years niyang pagtatrabaho sa Saudi. 

Kinilala ang lalaki na si Ramon, na hindi na nagawa pang makapag asawa dahil sa ginugol na lamang nito ang mga taon sa pagtatrabaho.

Pinag aral na lamang ni Ramon ang anak ng kaniyang mga kapatid sa Pilipinas na halos lahat ng sahod at bonus nito ay napupunta na lamang sa kaniyang mga kapatid at pamangkin.

Sa paglipas ng panahon ay naging masaya naman si Ramon sa naging resulta ng kaniyang pagtulong. Dahil sa kaniya ay nakapagtapos na nang pag aaral sa kolehiyo ang kaniyang mga pamangkin at nagkaroon rin ito ng magagandang trabaho.

Ngunit sa kabila ng pagtulong niya ay halos wala siyang naipundar para sa kaniyang sarili. Napilitang umuwi ng Pilipinas si Ramon dahil sa naramdaman nitong sak!t. Ngunit hindi akalain ni Ramon na sa kaniyang pag uwi ay walang kamag-anak o kapatid man lang ang ninais na siya ay kupkupin at alagaan.

Labis na pagdaramdam ang naramdaman ni Ramon dahil sa mahigit 21 years na siya ay nasa abroad wala siyang ninais kundi ang makatulong sa kaniyang mga kamag anak sa Pilipinas dahil sa pagmamakaawa ng mga ito.

Sa kabilang banda, si Ramon ngayon ang nawalan ng pera at nawalan rin siya ng mga kamag-anak na masasandalan. Batid niya ngayon na matapos niyang tulungan na mapaganda ang buhay ng kaniyang mga kapatid at igugol ang kaniyang oras at panahon sa pagtulong sa mga ito ay umaasa siya na sa huli ay susuklian ng mga ito ang kabutihang ibinigay niya sa kanila.

Subalit hindi ganun ag nangyari dahil matapos ang 21 years nito sa Saudi at makaramdam ng sakit ay wala ni isa sa kaniyang mga natulungan ang ninais na tulungan siya sa pagbalik niya sa Pilipinas.

Matapos makapanayam ni Aileen si Ramon na palaboy-laboy na ngayon ay pinabayaan na siya ng kaniyang mga kaanak matapos makuha lahat ng kaniyang pera ay pinaalis na siya ng mga ito at mula noon ay napilitan na siyang maging palaboy sa daan. Hindi na rin nito nagawang makapag hanapbuhay dahil sa kaniyang karamdaman kung kaya't narito siya sa loob ng Luneta Park at umaasa na lang sa limos ng mga taong nagdaraan.

Si Aileen ang kumuha ng mga larawan ni Kuya Ramon at ibinahagi ang kwento nito sa mga tao para makapagbigay aral sa mga tao. Kung saan sinabi nito na "Hindi masama ang tumulong sa kapwa lalo at ito ay iyong kamag-anak o kapatid, ngunit hindi sa lahat ng tao ay nararapat ito dahil hindi natin alam na kahit sarili nating kadugo ay matapos nating tulungan ay kung minsa'y hindi nagiging maganda ang balik nito sayo".

LIFE LESSON : 
"WAG TAYO BIGAY NG BIGAY SA IBA DAHIL SA BANDANG HULI TAYO PA NAG MAWAWALAN. MATUTO TAYONG MAGTIRA PARA SA SARILI UPANG MAIHANDA ANG ATING KINABUKASAN". - Aileen

3 Responses to "OFW ng 21 na taon palaboy na ngayon, Iniwan ng kanyang pamilya dahil wala ng maibigay na pera"

  1. Mga walang utang na loob. Matapos tinulungan ay itakwil ang nagpakahirap para sa kanila. Mabuti na sa akin kahit tumutulong ako sa mga pamangkin ko ay may konti akong naipon na para sa sarili ko at may pension nman ako pagretire ko. Karma is just around para doon sa mga makasarili na kamag anak na natulungan mo pag ganyan ang ginawa syo.

    ReplyDelete
  2. Ramdam kta kua kc my hawig ang buhay u sa buhay q mskit tlga pro Kailangan mag pkata2g

    ReplyDelete
  3. May Balik yan....ang panginoon n bahalala sa Mga taong hindi marunong magbalik ng pagmamahal sa nagbigay no buong suporta..para naman sau kua.. Ur Award above heaven..awaiting.. Just give it to HIM.. He Will do the rest.

    ReplyDelete



close