Madalas maririnig natin ang mga katagang IBA ANG PAGMAMAHAL NG MAGULANG PARA SA KANIYANG ANAK. Kahit na pagkain nalamang na isusubo nya ay binibigay pa nya ito sa kanyang anak.
SELFLESS AT UNCONDITIONAL LOVE kung ilarawan ang pagmamahal ng magulang sa anak. Napakasarap sa pakiramdam na magkaroon ng ama at ina na laging nakasuporta sa iyo sa lahat ng bagay na iyong ginagawa.
Ngunit paano kung wala ng kakayahan ang isang magulang na suportahan at kalingain ang kanyang anak? Ano ang mangyayari sa magulang at ano ang gagawin ng anak para sakanila ?
Nagsilbing Inspirasyon kamakailan lang ang buhay ng 17 taong gulang na si Clara. Sa kanyang edad dapat ay pag aaral lamang ang kanyang iniisip ngunit kung ano anong trabaho na ang kanyang pinasok para lang kumita ng kaunting pera para sa kanyang ama.
Ang kanyang ama kasi ay nastroke at iniwanan na rin naman sila ng kanyang ina. Sa kabila ng napakahirap na sitwasyon nanatili parin na matatag at positibo ang dalaga. Nag "online seller" at nagtitinda din sya sa hapon ng mga meryenda.
Abala rin sya sa mga gawaing bahay at tumutulong din na mapatapos ang pinapagawa nyang bahay para sa kanyang ama. Siya ay napiling tulungan ng isang vlogger na si "Virgelyncraes".
Sobrang nakakahanga kasi ang abilidad at pagmamahal ni Clara para sa kanyang ama. Tila ay hindi nya alintana ang pagod at hirap sa araw araw mabigay lang ang pangangailangan ng kanyang ama.
Napakapalad ng mga magulang nya dahil sya ay lumaking responsable at disiplinadong anak. Hindi lahat ng kabataan ay katulad ni Clara mag isip at magmalasakit sa magulang.
Kung kaya't hindi nakakapagtaka na marami syang natatanggap na tulong mula sa mga taong may mabubuting puso.
Post a Comment