Siya si Lolo Tony Villanueva, 102-anyos, na sa kabila ng kaniyang edad ay naghahanap buhay pa rin ito upang may maisustento sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay at upang hindi maging pabigat sa pamilya. Pinatunayan ni Lolo Tony na hindi hadlang ang edad kung may sikap at tiyaga.
Si lolo Tony ay mula sa probinsya ng Leyte. Pursigido si lolo Tony sa kaniyang trabaho at mamuhay ng marangal. Naglalako at ini-ikot nito ang mga bitbit na duyan sa buong baranggay ng Rizal. Hindi alintana ni Lolo Tony ang init at pagod na nararamdaman sa paglalakbay , dahil mas mahalaga sa kaniya na makabenta at kumita para may maiuwing pera sa pamilya.
Gulay at isda lamang daw ang kaniyang kinakain at hindi umano siya kumakain ng karne at ano mang pagkain na may halong vetsin. Ito daw ang kaniyang sikreto sa pagkakaroon ng malakas na pangangatawan sa kabila ng kaniyang edad.
Si Rhodz Jimenez Casio-Salili ang siyang nagbahagi ng mga larawan ni Lolo Tony sa kaniyang post sa social media. Hiling nito na sana ay makarating ang kalagayan ng matanda sa Local Government upang mabigyan ng benepisyo dahil sa kaniyang edad.
Ito ang kabuuan ng kaniyang post:
Tulungan syang iclaim yung P1000.00 pesos na reward nya sa DSWD kasi lagpas na sa 100 years old na sya eh para naman mapakinabangan na nya mismo
ReplyDelete