Si Denso Tambyahero na isang Grab rider at isang vlogger ang nag-kwento na nilapitan sya ng isang 83 years old na lola. Lumpit ito at humingi ng P5.00 para makabili ng makakain dahil hindi pa siya kumakain.
Sa labis na awa ni Denso sa matanda, hindi siya nag-atubiling bigyan ito ng isang lata ng biscuit at P500.00.
Ayon sa kwento ng lola, simula nang pumanaw ang kaniyang asawa ay mag-isa na lamang siyang naninirahan sa kanilang bahay. Iniwan rin siya ng kaniyang mga anak kaya't wala na siyang katuwang sa buhay.
Gusto pa sana ni Denso na ipahatid siya sa tricycle ngunit sinabi ng tricycle driver na kilala niya ito at di kalayuan sa kanilang kinatatayuan ang tirahan ng lola.
Dahil na rin sa pag-aalala sinundan ni Denso ang matanda. Inabutan niya ang lola na nakaupo habang binubuksan na ang biscuit na bigay niya at may kausap na kapitbahay.
Kinausap muli ni Denso ang lola at ang lalaki. Napag-alaman niya na Mary ang pangalan ng matanda at may mga anak ito.
Sa tulong na ginawa ng Grab driver sa lola ay sobrang nagpapasalamat ito. Sinabi rin ng matanda na pagpalain nawa sya ng Panginoon at ipagdarasal niya ito.
Ayon pa kay Lola Mary, may mga tao ding nag-aabot sa kanya ng tulong at pinagdarasal niya ang mga ito sa simbahan.
Marami pang mga kwento tungkol sa kanyang buhay ang matanda at bakas sa kanya ang kalungkutan na nadarama niya.
Nahabag ang maraming netizen sa napanuod nilang istorya ni Lola Mary sa vlog ni Denso. Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizen:
"Nadurog ang puso ko ng makita ko ganyan si Lola. Sana naman sa mga anak nya pangalagahan niyo mga magulang niyo."
"Wawa nman walang kwentang mga anak and isipin mo nlang hindi ka naging tao kung wala siya."
"Nakakalungkot naman na may mga anak na bigla nlang iiwan ang mga magulang nila. Ang malas mo Nay sa mga anak mo. BTW, Happy mother's day po."
Naiiyak aq habang binabasa q kwento n nanay walang lapastangan n anak ang pinagpapala
ReplyDeleteHow i can help even small amount
ReplyDeleteSaan po nakatira c lola?
ReplyDelete