Isang lalaki nakagawa ng magagandang bags mula sa basurang lata ng softdrinks, dinagsa sya ng mga parokyano

Isang lalaki nakagawa ng magagandang bags mula sa basurang lata ng softdrinks, dinagsa sya ng mga parokyano

Isang lalaki nakagawa ng magagandang bags mula sa basurang lata ng softdrinks, dinagsa sya ng mga parokyano

Sabi nga nila, "may pera sa basura" kapag marunong kang dumiskarte. 

Tunay na napakaming pwedeng malikha gamit ang mga basura. Kung may tiyaga at tiwala ka sa sarili mo na kaya mo, marami kang magagawa. Hindi dahilan ang kahirapan para tumigil ka at mag-explore ng kung ano pang kaya mo. 

Akala natin pag basura na, wala nang halaga ngunit marami pa ring bagay na pwedeng malikhang obra gamit ang mga ito. Tulad ng lata, kahit tawagin na itong basura maaari pa rin itong maging source ng kabuhayan.

Sa bansang Thailand, may lalaki mula sa bayan ng Sampheng na naglilikom ng mga lata upang gawing obra. 

Sa kaniyang malawak at malikhaing isip at kamay, nakakagawa siya ng mga napakaganda at unique na bags at talag namang pumapatok ang mga ito sa tao.

Ang kanyang mga likhang bags ay sumikat dahil nga sa mga unique nitong design at mga sukat. Natatambakan na nga siya ng order sa sobrang dami ng gustong bumili. Marami rin ang matiyagang pumipila para makabili nito.

Ibinibenta ito ng lalaki sa napaka-murang halaga. Ito ay nagkakahalagang 60-100 Thai Baht o P96.00 hanggang P160.00.

"The bag is very cute. It's very strong. It can be used for long strap. It can be adjusted to the length/. If you don't like the strap, you can change it yourself. It's like the example. The are two sizes. Me and my friend bought both style." - ayon sa nakabili ng bag.

Si Tharinee Kedsopa ang nagmagandang loob na tumulong para makatanggap ang lalaki ng mga donasyon na makakatulong sa lalaki  sa paggawa niya ng mga bag. At natuwa ang mga netizen sa kagandahang loob ni Tharinee.

Dahil sa pagiging malikhain ng lalaki marami ang na-inspire sa kanya at marami rin ang natuto na magbawas ng basura at gawing obra. Nakabawas na sa basura, kumita ka pa ng pera. 

Matuto sana ang bawat isa na iligtas ang kalikasan. Maraming paraan para gawin ito. Kailangan mo lang din magmasid sa paligid. Bukod sa gagandang muli ang kalikasan maaari ka ring kumita.

Post a Comment



close