Marami satin ang naantig sa mga larawan ng batang magkapatid habang ang mga ito ay natutulog sa tabi mismo ng kalsada, tila sila ay basa pa sa ulan at pagod galing sa kanilang pagtitinda ng mga sampaguita at may kasamang panglilimos sa mga motorista.
Nakakalungkot lamang isipin na sa kabila ng maayos pamumuhay natin ngayon ay yun rin ang patuloy na pagdami ng mga batang nasa lansangan na siyang pinabayaan na ng kanilang mga magulang o kaya naman ay iniwan na ng kanilang mga magulang.
Karamihan pa sa ilang batang ito ay napakabata pa para sila ay maging palaboy sa kalsada, lubhang mapanganib ito lalo na kung sila ay magtatagal pa sa ganitong sitwasyon.
Kagaya nalang ng mga larawang ito ng batang magkapatid na kasalukuyang nagviviral sa social media at kumurot sa puso ng ating mga netizens.
Ibinahagi ito ni Nahara Pagayawan. sa kanyang post nakalagay ang mga larawan ng dalawang magkapatid na paslit, kung san ay ating makikita ang batang babae na nasa higit 8 gulang palang na karga karga at kayakap ang mas bata sa kanyang kapatid habang sila ay nasa tabi ng kalsada at nakaupo at tila natutulog.
Ang mga susunod na larawan naman ay ating makikita ang magkapatid na naglalakad habang kanyang karga karga ang kanyang nakababatang kapatid habang siya ay nagtitinda ng sampaguita.
Umulan pa at basang basa ang magkapatid habang ang nakatatanda ay patuloy na naglalako ng sampaguita sa gitna ng kalsada.
Mabilis naman itong kumalat at nagtrending sa iba't ibang social media at halos umabot ito ng 24K na reaksyon sa mga netizens at 10K naman komento, 74K naman ang nagbahagi nito sa iba pa.
Napakaraming netizens natin ang nagnanais tumulong sa magkapatid at nahahabag sa kanilang nakita na kalagayan ng dalawa. Ang iba naman nating netizens ay tinatag ang Raffy Tulfo in Action at patuloy na umaasa na maaksyunan ito ng programa.
Samantalang ang iba naman nating netizens ay humihiling na mayroon sanang mabuting puso na magbigay ng kahit konting tulong sa magkapatid, kahit lamang maayos at ligtas na matutuluyan dahil napakadelikado para sa mga ito ang manatili sa kalsada lalo na at mayroon tayong pandmyang kinakaharap.
Gusto naman ng lahat ng nakakita sa larawan ng magkapatid na sana ay magbigay ng tulong ang pamahalaan at ahensya tulad na lamang ng DSWD.
Post a Comment