74-Taong-Gulang Na Ina, Binubuhay Ang Pamilya Sa Pagsisid Ng Barya Sa Ilalim Ng Dagat Araw-Araw

74-Taong-Gulang Na Ina, Binubuhay Ang Pamilya Sa Pagsisid Ng Barya Sa Ilalim Ng Dagat Araw-Araw

74-Taong-Gulang Na Ina, Binubuhay Ang Pamilya Sa Pagsisid Ng Barya Sa Ilalim Ng Dagat Araw-Araw

Bayaning matuturing ang bawat magulang natin. Ang ina na nagsisilbing ilaw ng tahanan at katuwang ng mga ama na haligi naman ng ating tahanan. Magkaagapay sila sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. 

Isang 74 na taong gulang na nanay ang nagtataglay nagtataglay ng kahulugan ng pagiging isang ilaw ng tahanan dahil sa kaniyang pamamaraan ng pagtatrabaho. Araw-araw siyang sumisisid upang makapulot ng barya-barya sa ilalim ng dagat.

Si Lola Maria ay may talento sa pagsisid at ito ang kanyang naging paraan para magkahanap-buhay.

Bawat barya na hinuhulog ng mga pasahero at turista ng Dalahican Ferry Terminal sa Lucena, Quezon, ang kaniyang sinisisid.

Nakasanayan na sa tuwing sasakay ang mga turista ay maghuhulog ng mga barya upang paggalang at pagpapalam sa dagat para na rin sa ligtas at payapang pagbyahe. Kultura na itong maituturing. 

Kaya naman kahit mapanganib sa dagat at pursigido pa rin si Lola Maria sa paglangoy at pagsisid para makapulot ng mga barya na siyang bumubuhay sa kanyang pamilya.

Ayon kay Lola Maria, nakakasama niya minsan ang kanyang asawa o kaya ang kanilang anak sa pagsisid. May mga araw na kumikita si Lola Maria ng Php100 hanggang Php200. Nakadepende ang kanilang kita sa kung  magkano at ilan ang naghuhulog ng barya.

Hindi biro ang gantong klase ng trabaho lalo na sa edad at pisikal na pangangatawan ni Lola Maria. Karaniwan, ang mga nasa ganitong edad ay nagpapahinga na lamang sa kanilang tahanan.

At dahil ang ganitong gawain ang kaniyang nakasanayan, masaya siyang ginagawa ito.

Ang kwentong ito  ni Lola Maria ay naitampok sa telebisyon sa palabas na "Front Row" ng channel 7. At ang kaniyang kwento ay pinamagatang "Mga Barya ni  Lola." Naging daan din ito para sa paghatid ng tulong sa kaniyang pamilya.

Post a Comment



close