107 Taong Gulang Na Lola, Ibinahagi Ang Sikreto Para Mabuhay Nang Matagal: ‘Huwag Mag-Aasawa’

107 Taong Gulang Na Lola, Ibinahagi Ang Sikreto Para Mabuhay Nang Matagal: ‘Huwag Mag-Aasawa’

107 Taong Gulang Na Lola, Ibinahagi Ang Sikreto Para Mabuhay Nang Matagal: ‘Huwag Mag-Aasawa’
Maraming mga tao ang ipinagdarasal ang mabiyayaan ng mahabang buhay. Sorbang dami na nating nagagawa sa unting panahon ng pamumuhay natin pero nakakakit paring humiling na tumagal pa sa mundong ginagalawan natin.

 Marami na nga nagsisipagsulputang pamamaraan o mga suhesyon kung paano magkakaroon ng mahabang buhay, o kung paano madagdagdagan man lang ang panahon  sa mundo. 

Karaniwang sagot ng mga taong nabiyayaan ng mahabang buhay ay ang pagkain ng tama, regulat na pag eehersiyo at pagiging malusog ngunit may isang ginang na nagbigay ng medyo nakakagulat at kakaibang sagot. 

Ito ay ang ginang kakadiwang pa lamang ng kanyang 107 na kaarawan. Ang kaniyang sikreto sa pagkakaroon mahabang buhay ay hindi pagpapakasal sa kung sino man.

Ibinalita sa CBS New York ang pagdiwang ng kaarawan ni Louise Signore noong July sa JASA Bartow Servive Center.

Ipinanganak si Ginang Louise Signore sa Manhattan, New York, sa taon na 1912. Lumaki naman siya sa Bronx at doon na nanirahan simula ng siya ay 14 years old pa lamang. Si Ginang Louise ay masayahin at paboritong magsuot ng kulay rosas. Siya rin ang nagbibigay ng aliw at saya sa kaniyang mga kasamahan sa tahanan ng mga matatanda. Si Deborah Whitaker na kaniyang kaibigan ay nagsabi na walang kasing lakas si ginang Louise sa kanyang edad.

Kwento pa ni Ginang Deborah na walang kapaguran si Ginang Louise. Kahit walang gamit na tungkod at wheelchair ay panay pa rin ang lakad nito at siya na rin ang namimili ng kaniyang mga pangangailangan, 

"Sa palagay ko, ang koneksyon nya sa kaniyang mga kapitbahay sa komunidad at pati na din ang kaniyang mga kaibigan dto sa senior center ay nakakatulong upang mapanatili niya ang kaniyang sigla." ani ni Aisha Parillon - senior director ng mga senior service ng JASA.

Dagdag pa niya na sumasayaw araw-araw si Ginang Louise at naglalaro ng "bocce", ito ay laro na ginagawa pa noong sinaunang roma na ginagamitan ng mga bola. Nasabi rin ni Ginang Louise na ang tunay na pangunahing susi sa mas kaunting stress sa kaniyang buhay ay ang pamumuhay mag-isa. 

"Sa palagay ko ang sikreto ng 107 kong edad ay: ang hindi ko pagpapakasal. Sa palagay ko ito ang sikreto. Nasabi pa ng aking kapatid kung minsan na 'sana hindi nalang ako nagpakasal'." ani ni Ginang Louise.

"Kung mayroon silang programang pang ehersisyo, ginagawa ko ang pag eehersisyo. Kung sumasayaw sila, sumasayaw din ako. Gumagawa pa rin ako ng kaunting pagsasayaw kahit tapos na sila. Matapos ang aking tanghalian, naglalaro naman ako ng bingo, pagkatapos nun buo na ang araw ko." ani pa ni Ginang Louise.

Post a Comment



close